Skip to content

September 9 - 6 am NEWS

September 9 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 09, 2026 | 8:19 AM

Nakipagpulong kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang mga opisyal ng Justice Reform Initiative (JRI) para talakayin ang mga reporma sa sistema ng hustisya.

Pinangunahan ni JRI Chairperson Atty. Alexander B. Cabrera ang grupo sa courtesy call kay Gesmundo noong Setyembre 2 sa Supreme Court En Banc Confe¬rence Room sa Ermita, Manila.

Kabilang sa mga matagal nang problemang tinututukan ng JRI ang mabagal na pagresolba ng mga kaso, limitadong access sa hustisya, at mga isyu tungkol sa accountability, corruption at competence sa mga korte.

Ayon kay Gesmundo, tugma ang mga adbokasiya ng JRI sa mga repormang isinusulong ng Korte Suprema sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022–2027.

Kabilang sa mga hakbang ng SC ang pagpapabilis ng pagresolba ng mga kaso, paggamit ng digital technology sa case management at pagpapalawak ng legal aid para sa mga hindi kayang kumuha ng abogado. (Prince Golez)

---

Nagkasagutan sina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis “Tol” Tolentino at Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando sa usapin ng P85 wage hike sa mga manggagawa sa Metro Manila na hindi pa rin naipapatupad.

Sa pagdinig ng House committee on appropriation¬s sa budget ng DOLE, sinita ni San Fernando si Tolentino kung bakit hindi nito ipinapatupad ang wage increase gayung nabigo ang Readycon at R-II builder na mailagak ang P10 billion na itinakda ng Pasig Regional Trial Court.

Depensa naman ni Tolentino, gustuhin man nila na ipatupad na ang wage increase ay may mga jurisprudence ukol sa unila¬teral disregard doctrine.

“Pasimplehan lang ho natin Mr. Secre¬tary, walang bond, walang injunction. Therefore, the wage order is in effect. Tama ba, Mr. Secretary?” tanong ni San Fernando na sinagot ni Tolentino na “There is no injunction. So far the writ is concern.”

Nanindigan si Tolentino na hindi ang DOLE ang magdedesisyon ukol sa usapin ng bond kundi ang korte lamang dahil maaari silang ma-contempt na halatang tumataas ang boses kaya humingi ito ng apology.

“There’s no writ. Malinaw po ang nakasulat sa order ng PRTC Branch 152, Pasig Judge Marie Joyce Manongsong. Let a preliminary injunction be issued upon posting a ban of ten billion pesos. There is no ban,” giit ni San Fernando. (Bernard Taguinod)