Pormal nang ineanunsyo ni United Kingdom Foreign Minister Ed Miliband ang pagpapataw ng mga parusa o sanctions laban sa mga illegal Israeli settlements sa sinasakop na West Bank.
Sa kaniyang talumpati sa parlyamento nitong Martes, binigyang-diin ni Miliband na magpapatupad ang Britain ng isang import ban o pagbabawal sa pagpasok ng mga produktong nagmula sa mga nasabing Israeli settlements.
Bukod dito, maglalatag din ang gobyerno ng isang komprehensibong rehimen ng mga sanction na nagbabawal sa pagbibigay ng tulong pinansyal, serbisyo sa konstruksyon, at iba pang suportang komersyal para sa mga naturang komunidad.
Ang hakbang na ito ng UK ay ibinatay sa 2024 Advisory Opinion ng International Court of Justice (ICJ) na nagdedeklarang labag sa internasyonal na batas ang patuloy na presensya at pagpapalawak ng Israel sa West Bank.
Ayon kay Miliband, layunin ng bagong polisiya ng London na protektahan ang posibilidad ng two-state solution sa gitna ng tumitinding karahasan ng mga ekstremistang settler laban sa mga Palestinian.
Agad namang umani ng matinding pagpuna mula sa pamahalaan ng Israel ang naturang desisyon, habang nagpahayag din ng pagkaalarma ang ilang alyado nito sa Kanluran hinggil sa posibleng epekto nito sa katatagan at diplomatikong relasyon sa rehiyon ng Gitnang Silangan.
---
Nilinaw ngayon ni King Charles III na hindi pa rin gagampan ng kanilang Royal Duties sina Duke at Duchess of Sussex.
Ito ay matapos na magdesisyon sina Prince Harry at Meghan na manirahan muli sa United Kingdom matapos ang paninirahan sa US.
Sa sulat na ipinadala ni King Charles sa Lord Chamberlain ng UK, ang pinaka senior officer ng British royal household, na hindi pa rin gaganap ng kanilang royal duties ang mag-asawa.
Sumulat si King Charles para bigyang linaw kung ano ang magiging papel nina Duke at Duchess of Sussex dahil na rin sa hiling ng iba.