Kumpirmadong natanggap na ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang warrant of arrest laban sa kanya.
Ang warrant inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 nitong hapon ng Semptember 4 para sa tatlong counts ng grave threats at may piyansang P120,000 para sa bawat kaso.
Kaugnay ito ng mga pahayag ni Duterte tungkol sa isang umano’y hitman na target umano sina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at noon ay Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa Department of Justice, nakita ng korte ang probable cause para ituloy ang kaso at ibinasura rin ang mosyon ni Duterte na ipagpaliban o bawiin ang arrest warrant at i-quash ang information.
---
Patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng leptospirosis sa bansa, dulot ng mga pagbahang hatid ng habagat nitong mga nakalipas na linggo.
Ayon kay Dr. Marc Steven Capungcol, hepe ng DOH Health Emergency Management Bureau, mula Agosto 2-29 ay nakapagtala ang ahensiya ng 77% pagtaas ng leptospirosis cases mula sa nakalipas na dalawang linggo.
Mula Enero hanggang Agosto 29 naman, umabot na sa 6,253 ang leptospirosis cases kabilang ang 378 deaths.
Sa Metro Manila, nasa 1,961 ang kaso ng leptospirosis.
Ayon kay Capungcol, ang Maynila at Quezon City ang may pinakamataas na cumulative number ng mga kaso, na sinundan ng Caloocan at Taguig.
Una na ring pinayuhan ng DOH ang publiko na umiwas sa paglusong sa baha na maaaring kontaminado ng ihi ng daga, na naghahatid ng leptospirosis.