Skip to content

September 3 - 7 am NEWS

September 3 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 03, 2026 | 8:46 AM

 Inihahanda na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang kautusan na magtatanggal ng value-added tax (VAT) sa allowable system loss charge na sinisingil sa mga konsumer ng ­kuryente.

Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang batas sa pagbubuwis upang mapagaan ang pasanin ng mamamayan sa bayarin sa kuryente.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, maglalabas ang ahensya ng circular 15 araw matapos ang publication ng Energy Regulatory Commission (ERC) Resolution No. 26, Series of 2026 hinggil sa system loss charge.

“When there is a clear basis under the law to provide tax relief, we should act on it… we can immediately implement the VAT removal and pass the benefit on to electricity consumers,” ani Mendoza.

Ang system loss charge ay isang cost recovered mula sa electricity bills, at hindi kita ng generation companies, NGCP, o distribution utilities.

Sa simpleng paliwanag ni Mendoza: “Consumers should not be paying VAT on electricity that never actually reaches their homes or businesses.”

Ang pagtanggal ng VAT ay magreresulta sa mas mababang singil sa kuryente para sa mga konsumer.

Alinsunod sa circular, hindi sasailalim sa output VAT at creditable withholding taxes ang Lifeline Subsidy, Green Energy Auction Allowance at iba pang government-mandated charges.

---

Naitala nitong Miyerkules ng ­umaga, Setyembre 2, ang pinaka­mababang ­halaga ng piso kontra dolyar sa P62.68/$1 sa intraday trading.

Nalampasan ng piso ang dating record close na P62.40/$1 noong Martes, Setyembre 1.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mahigpit nilang binabantayan ang foreign exchange market matapos basagin ng piso ang P62 barrier noong nakaraang Biyernes, nang bumagsak ito sa P62.265/$1 noong Agosto 28.

Ayon sa ulat, pangunahing dahilan ng pagbagsak ang global demand sa dolyar, patuloy na pangamba sa merkado at mga panganib sa ekonomiya kaugnay ng langis.

Kabilang sa epekto ng mahinang piso ang pagmahal ng imported goods gaya ng gasolina at pagkain, na maaaring magpalala ng inflation; at mas mataas na remittance value para sa mga pamilya ng OFWs, dahil mas malaki ang katumbas ng bawat dolyar na ipinapadala.