Inaprubahan ni Senate Impeachment Court presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pakiusap ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na ngayong Martes, Setyembre 29, na lamang siya haharap sa korte imbes na nitong Lunes.
Sa ika-30 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni Escudero na nakatanggap ang korte ng liham mula kay Mayor Duterte upang ilipat ng Martes o Miyerkoles ang pagharap niya upang magkaroon pa siya ng karagdagang panahon sa pangangalap, pag-organize, pag-authenticate at pag-reproduce ng mga dokumento.
“The court was in receipt of a letter from Mayor Sebastian Duterte of the city of Davao dated today requesting that among others¬, that he be given time as he requires substantial time to gather, organize, authenticate, and reproduce the subpoenaed documents and asks that he be allowed to attend instead of today, tomorrow and on Wednesday,” paglalahad ni Escudero.
“The presiding officer grants the request of mayor Duterte to appear tomorrow and Wednesday,” dagdag ng presiding officer.
Si Mayor Baste ay sinubpoena ng impeachment court para magpaliwanag hinggil sa naging transaksyon ng City Hall sa GenCorp Industries Inc.
Plano ng prosekusyon na ideklara si Mayor Baste bilang hostile witness upang makapagbato ng leading question ang mga prose¬cutor.
---
Nagbabala si Senador Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes na maaaring maharap sa posibleng criminal liabi¬lity ang sinumang sangkot sa pagtatakip sa mga ano¬malya sa mga infrastructure project sa Taguig City.
Ibinadala ito ni Lacson matapos ideklara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa budget hearing sa Senado noong nakaraang linggo na wala umanong “ghost” project sa Taguig City.
Ayon sa senador, mayroon siyang mga resibo na magpapatunay sa mga hokus pokus sa Taguig, kabilang ang isang slope protection project sa kahabaan ng Taguig River na ang mga litrato sa billing ay may geotagged coordinates na tumutukoy sa Leyte.
“Nasa Ombudsman na ‘yan. Mapapahamak kayo pagkanagtakip pa kayo diyan. Magpakatotoo na lang tayo pare-pareho,” diin ni Lacson sa isang radio interview.
Aniya, tinawagan umano siya ni DPWH Secretary Vince Dizon nitong weekend matapos niyang ilahad ang mga detalye ng “Slope Protection along Taguig River Project”, na ang mga geotagged photo na kalakip ng billing reports ay may coordinates na tumutukoy sa Tacloban City, Leyte, na may layong humigit-kumulang 600 kilometro mula sa Taguig.
Ayon kay Lacson, tatlong lokasyon sa Tacloban City ang makikita sa geotagged photographs ng proyekto na may Contract ID 220B0106. Batay sa mga rekord, P96.5 milyon ang ibinayad ng DPWH para sa proyekto sa St. Timothy Construction Corp., na ayon kay Lacson ay pag-aari ng pamilya Discaya.