Skip to content

September 25 - 8 am NEWS

September 25 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 25, 2026 | 9:46 AM

Lumayas ang karamihang mga delegado na dumalo sa United Nations General Assembly sa New York,bago pa man magbigay ng kaniyang talumpati si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Karamihan kasi sa mga bansa na lumayas ay hindi sang-ayon sa ginawang giyera ng Israel at US sa Iran.

Hindi naman nagpatinag si Netanyahu at itinuloy ang kaniyang talumpati.

Sinabi nito na dapat magpasalamat sila sa Israel dahil kung hindi nila inatake ang nuclear facilities ng Iran ay maaaring lahat sila ay patay na.

Muling ipinagmalaki nito na ang pahayag ni US President Donald Trump na kanilang matagumpay na nasira ang Iranian military at nuclear capabilities.

Ilang grupo ang kalaban ng Israel gaya ng Hamas, Hezbollah, Houthis, Iran ganun din ang mga grupo sa Iraq,Syria at Palestine.
Wala na aniya silang naging matibay na kasangga kung hindi ang US.

---

Ipinagmalaki ni US President Donald Trump na naging matagumpay ang unang araw na pagpupulong nila ni Chinese President Xi Jinping.

Iniikot ni Trump ang Chinese President sa loob ng White House kung saan nagkaroon pa ng military parade sa Rose Garden.

Nagsagawa ng bilateral meeting ang dalawa kung saan tinalakay ang kalakalan, Artificial Intelligence at ang usapin sa Taiwan na inaangkin ng China.

Sinabi pa ng US President na ipinagmamalaki niya ang relasyon ng US at China at tiniyak na magpapatuloy ang kanilang pagtatrabahong dalawa.

Magugunitang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng US at China dahil sa usapin ng pagpapataw ng buwis ng US sa ilang produkto ng China.