Skip to content

September 24 - 8 am NEWS

September 24 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 24, 2026 | 9:20 AM

Itinuloy ng mga mambabatas ng Pakistan-administered Kashmir ang eleksyon upang ihalal ang kanilang bagong pangulo at punan ang constitutional office na halos walong buwang bakante.

Malaki ang tyansang magwawagi sa halalan ng kandidato ng ruling Pakistan Muslim League-Nawaz (PML-N) na si Najeeb Naqi Khan laban sa manok ng Pakistan People’s Party (PPP) na si Chaudhry Latif Akbar matapos makuha ng pamahalaan ang higit sa kinakailangang 27 boto.

Naganap ang botohan sa kabila ng pagkaantala ng opisyal na iskedyul ng Saligang Batas kasunod ng pagpanaw ng dating pangulong si Sultan Mehmood Chaudhry noong Enero.

Naging kontrobersyal ang halalan dahil nananatiling bakante ang pitong pwesto sa lehislatura matapos ipagpaliban ang botohan sa dalawang distritong sentro ng mga marahas na protesta at pagpatay.

Ayon naman kay Chief Election Commissioner Justice Ghulam Mustafa Mughal, pormal at legal ang proseso ng paghalal sa kabila ng mga bakanteng pwesto upang matakpan ang matagal nang kakulangan sa pamumuno ng rehiyon.

---

Ipinag-utos ni Italy Culture Minister Allesandro Giuli na pahabain ang araw ng pagsasara ng ng tanyag na Colosseum sa Italy, upang bigyang respeto ang nasawing empleyado.

Napag-alaman na nahulog ang 22-anyos na technician matapos mahulog ng aabot sa sampung metro habang nagkakabit ng bagong lighting system sa loob ng ancient Roman arena.

Ayon pa sa Italian Culture Minister, ikinagulat nila at hindi rin makapaniwala matapos ang pangyayari. Mananatiling nakasara ang bahagi ng second tier ng Colosseum Archaeological Park kung saan nangyari ang insidente upang bigyang daan ang pagluluksa.

Kilala bilang sikat na tourist attraction at pinakamakalaking amphitheater sa Roman Empire ang Colosseum. Tinatayang 2,000 taon na ang nakakaraan nang maitayo ang Colosseum na pinagdadausan ng gladiator fights, execution at animal hunt.