Skip to content

September 23 - 6 am NEWS

September 23 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 23, 2026 | 8:34 AM

Dalawang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang inilipat sa ibang pwesto na bahagi ng hakbang ng ahensya para mapalakas ang intelligences operations at administrative oversight nito.

Batay sa Customs Personnel Order na may petsang September 15 isinailalim sa re-assignment si Director III Thomas Narcise, na dating nasa Customs Intelligence and Investigation Service–Intelligence Group (CIIS-IG), at si Director III Jeoffrey Tacio na dating nasa Strategic Advisory Office sa ilalim ng Office of the Commissioner.

Sa naturang personnel order, si Narcise ay itinalaga na sa Commissioner’s Strategic Advisory Office, habang si Tacio naman ang inilipat sa CIIS-IG.

Effective immediately ang kautusan na nilagdaan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno.

Ang aksyon ay may kaugnayan sa letter complaint na isinumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr noong December 2025 ng mga Customs officials, employees, at stakeholders.

Sa nasabing liham hinihiling nila kay Pangulong Marcos ang pagsasagawa ng impartial investigation sa umano’y alegasyon ng smuggling protection, corruption, at abuse of authority sa loob ng BOC.

Ipinatupad ang reassignment kina Narcise at Tacio matapos ang pahayag ni Comm. Nepomuceno na agad reresolbahin ang ang imbestigasyon sa umano’y ilegal na aktibidad sa ahensya partikular ang insidente ng pagsalakay ng Highway Patrol Group (HPG) sa warehouse sa Bulacan.

Tugon ito ni Nepomuceno sa panawagan ni Senator JV Ejercito na dapat linisin ng BOC ang kanilang hanay.

---

Upang mapalaki ang revenue ng gobyerno, inirekomenda ni dating Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Diwa Gunigundo na singilin ang utang na buwis ng maraming pamilya sa bansa.

“There are different ways of uh increasing revenues, uh Margaux. One, of course, is uh for the BIR to collect a lot of payables. And we know what I mean, no? There are families which uh owe the BIR uh tens and tens of billions of pesos,” diin ni Gunigundo sa host na si Margaux Salcedo ng programang “Bankero: Unfiltered” sa Bilyonaryo News Channel.

Nang tanungin ni Salcedo kung sino-sino ang mga pamilyang may malaking pagkakautang sa buwis, tumanggi naman itong isiwalat ng dating BSP official dahil trabaho na umano ito ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“That is something that the BIR will have to do,” giit ni Gunigundo.

Binanggit pa nito na isa pa sa paraan para makalikom ng revenue ay ang pagbebenta ng public property at ang pagpapataw ng bagong buwis bagaman hindi ito magiging katanggap-tanggap sa mga Pilipino.