Skip to content

September 2 - 7 am NEWS

September 2 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 02, 2026 | 8:46 AM

Nagpatupad ng llibreng toll fees ang North Luzon Expressway sa lahat ng sasakyan na dadaan mula Pulilan, Bulacan, at San Fernando, Pampanga ngayong araw ng Miyerkules, September 2.

Ang pagpapatupad ng libreng toll fees ay dahil sa malawakang pagbaha sa Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga na nagdulot na mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng NLEX simula pa noong Biyernes, August 29.

Personal na nakipag-uganayan si Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez sa pamunuan ng NLEX Corp. President Luis Reñon upang i-wave ang toll fees, ayon sa inilabas na pahayag ng ahensya.

Ang Toll fees ng mga sasakyang galing ng Pulilan patungong San Fernando ay nagkakahalaga nga ng 113 pesos para sa Class 1 vehicles, habang 281 pesos naman para sa Class 2, at 338 pesos naman para sa Class 3.

Ayon naman sa transport agency, ang libreng toll fees ay magpapatuloy hanggang sa magbalik normal na ang operasyon ng NLEX.

Matatandaang ilang mga kalsada ang nalubog sa baha dahil sa malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat. Marami ang stranded at naipit sa kalsada na halos umabot ng buong araw noong Biyernes.

Nalubog rin sa baha ang Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga, dahil sa pag-apaw ng Pampanga River.

---

Ligtas na nakabalik sa Pilipinas ang walong overseas Filipino workers na mula sa Yakutsk, Russia ngayong Miyerkules, September 2.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City ang walong OFW sakay ng Air China flight mula Beijing.

Bago makauwi sa Pilipinas, binisita muna ng Philippine Embassy sa Moscow ang kanilang kalagayan sa Detention Center sa Yakutsk noong August 31. Ipinagkaloob naman ng Russian Government ang kanilang return tickets upang makauwi sa bansa.

Agad naman binigyang pansin ng OWWA ang walong overseas Filipino workers para sa kanilang post-repatriation assistance, kasama na ang airport assistance, pansamantalang matutuluyan, transportasyon at pamasahe pauwi sa kani-kanilang probinsya, pati na rin ang kinakailangang financial assistance.

Maayos naman ang naging pagbabalik bansa ng mga Pilipino dahil sa koordinasyon ng OWWA, Department of Migrant Workers (DMW), Philippine Embassy in Moscow, at Migrant Workers Office–OWWA Berlin.