Skip to content

September 17 - 7 am NEWS

September 17 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 17, 2026 | 9:47 AM

Nagkaroon umano ng sabwatan si Senador Rodante Marcoleta, at sa mga donor ng kanyang campaign fund, ayon sa isang testigo ng Office of the Ombudsman sa hearing ng Sandiganbayan Third Division nitong Huwebes, Setyembre 17.

Ayon kay Field Investigation Bureau Director Maria Melinda Mananghaya-Henson, si Marcoleta umano mismo ang nag-solicit ng donasyon sa kaibigan nitong negos¬yanteng si Aristotle Viray.

“It was accused Marcoleta who actually solici¬ted [the donation],” diin ni Henson sa hearing ng bail petition nina Marcoleta, Viray, dating Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor at Joseph Espiritu.

Ang apat ay kinasuhan ng plunder dahil sa hindi pagdeklara ni Marcoleta sa campaign donation na P75 milyon.

Binanggit ni Henson na bahagi ng donor’s tax sa P75 milyong campaign donation nina Viray, Espiritu, at Defensor, ay binayaran ni Ebenezer Santos na isang empleyado ni Marcoleta.

Binigyang-diin pa ni Henson na nakipagsabwatan umano si Marcoleta sa mga kapwa akusado dahil ang mga Deeds of Donation of the Donors ay ginawa lahat, at pinanotaryo noong Nobyembre 2025 kahit ang donasyon ay nangyari noon pang Enero 2025.

“They all came to the same notary public in Pasig for their deeds of donation, on the same day, and they all belatedly had their deeds of donation notarized in November 2025,” diin ni Henson.

---

Inamin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pa silang natatangap na opisyal na impormasyon ukol sa asylum application ni dating presidential spokesman Harry Roque.

Sa budget deliberation ng mahigit P35 bil¬yong panukalang budget ng DFA para sa 2027, inu¬sisa ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang asylum application ni Roque matapos ibalita ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ibinasura umano ito ng Austria.

“Mr. Speaker, the DFA, including its embassy in Austria, hindi pa po makakatanggap ng official information on the status of asylum application of Mr. Harry Roque,” paliwanag ni Misamis Occidential Rep. Fernando Oaminal, base sa ipinasang impormasyon sa kanya ng DFA bilang sponsor sa budget ng nasabing ahensya.

Inusisa din ni Cendaña ang estado ng red notice laban kay Roque subalit sinabi ng DFA na ang may tungkulin dito ay ang DILG, Philippine National Police, at Interpol. (Bernard Taguinod)