Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Kongreso na gumawa ng batas laban sa political dynasties, matapos pagbigyan ang mga petisyong humihiling na ipatupad ang probisyon ng 1987 Constitution.
Unanimous ang desisyon ng SC na obligahin ang Kongreso na magpasa ng naturang batas.
Ayon sa korte, ang 39-taong hindi pagkilos ng Kongreso ay maituturing na grave abuse of discretion.
Wala namang itinakdang deadline o penalty ang SC at sinabi lamang na dapat itong gawin ng Kongreso sa “earliest opportunity.”
“We trust that the Congress will comply with the directive of the Supreme Court. In case that does not happen, we’ll have to wait for the court’s action and a case that will be filed before it,” saad ni SC spokesperson Atty. Camille Ting. (Prince Golez)
---
Muling nanindigan si Senador Robin Padilla na hindi niya pinatakas si Senador Ronald “Bato” dela Rosa mula sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) sa gusali ng Senado noong madaling-araw ng Mayo 14, 2026.
Sabi ni Padilla, inihatid lang niya sa kanyang sasakyan si Dela Rosa at pagkababa nito, wala na silang komunikasyon pagkatapos noon.
“Walang takas na naganap, napanood n’yo naman CCTV. Meron ba ganung tumakas, dalawang libong pulis ang andito. Siya po ay sumakay lang sa aking sasakyan ‘yan ang aming, di naman po magsisinungaling ang CCTV panoorin na lang natin, wala namang humarang na pulis kasi kung may humarang ba’t kami aalis,” pahayag ni Padilla sa isang press conference nitong Miyerkoles.
Natanggap ni Padilla ang subpoena na ipinadala ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng rekla¬mong “obstruction of justice” na inihain laban sa kanya ng Philippine National Police at tiniyak niyang haharap siya sa pagdinig sa Setyembre 25 at Oktubre 9. (Dindo Matining)