Skip to content

September 16 - 8 am NEWS

September 16 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 16, 2026 | 10:00 AM

Inakusahan ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy ang Russia na makailang ulit nilang tinarget ang sinakyan nitong eroplano.

Inihalimbawa nito noong ito ay nasa Moldova kung saan nandoon ang kaniyang presidential jet ay nagsagawa rin ng drone attack ang Russia sa nasabing bansa.

Pagbalik din nito sa Ukraine ay hindi pa rin tumigil ang Russia sa pag-atake sa eroplano ng Ukraine President.

Una ng sinabi rin i Norweigan Prime Minister Jonas Gahr na muntik ng tamaan ang eroplano ni Zelenskyy ng drone habang ito ay nasa airspace ng Moldova.

Patungo noon ang Ukraine president sa Oslo ,Norway ng mangyari ang pag-atake.

Wala namang nasaktan sa mga miyembro ng presidential delegations kung saan lahat sila ay ligtas.

---

Kinondina ng gobyerno ng Yemen ang ginawang pag-atake ng Houthi rebels sa Saudi Arabia.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Yemen na tinarget ng drones at missiles ng Houthis ang mga lugar ng sibilyan sa mga lugar ng Khamis Mushait, Abha at Taif.

Mayroon aniyang 13 mga sibilyan ang nasugatan at ilan mga kabahayan at sasakyan ang nasira dahil sa pag-atake.

Tinawag ng gobyerno ng Yemen bilang paglabag sa soberanya ng Saudi at hindi dapat gamitin ang mga teritoryo bilang launching pad sa pag-atake sa ibang bansa.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng malawakang pag-atake ang Houthi rebels sa ilang bahagi ng Saudi Arabia matapos na akusahan nila ang mga ito na tumutulong sa gobyerno nila para labanan ang militanteng grupo.