Skip to content

September 16 - 7 am NEWS

September 16 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 16, 2026 | 8:42 AM

Upang maprotektahan ang kabataang Pilipino mula sa masasamang epekto ng social media, inirekomenda ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na gamitin ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID bilang pangunahing batayan sa pagberipika ng edad ng mga user na nais gumamit ng mga social media platform.

Iminungkahi ni Lacson, principal author ng Senate Bill 2424 o Child Online Safety and Protection Act, na gawing simple ang proseso at alisin ang mga technicality at gray area na maaaring magdulot ng problema sa implementasyon.

“I-simplify natin (at) gamitin natin ang National ID… ang panukala ko, pagdating sa period of amendments, gawin nating must ang basis, gawin natin ang National ID o ano ang backup ID na puwedeng gamitin para documented,” ani Lacson sa kanyang pag-interpellate sa Senate Bill 2424 na ini-sponsor ni Sen. Robinhood Padilla. (Dindo Matining)

---

Nanindigan ang tatlong retiradong chief justice ng Supreme Court (SC) na hindi nakapako sa 16 boto ang conviction ni Vice President Sara Duterte, habang naniniwala naman si retired Associate Justice Adolfo Azcuna na 24 senador ang dapat maging basehan ng isinasaad ng Konstitusyon na two-thirds vote.

Nagkakaisa ng pananaw sina retired Chief Justices Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban, at Reynato Puno na ang kinakaila¬ngang boto sa conviction ay nababago depende kung ilang senador ang legal na mabibilang sa botohan.

Kontra naman dito si Azcuna na nagsabing ang threshold ay dapat “fixed, not variable” at lahat ng nakaupong senador ay kailangang maging bahagi ng denominator.

Ang apat na dating mahistrato ay inimbita bilang “amici curiae”, o friends of the court, matapos iapela ng ilang senator-judge ang naunang pasya ni Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na 16 boto o 2/3 ng 24 miyembro ng Senado ang kailangan para sa conviction ni Duterte.

Tinanong sila ng korte kung sino dapat ang bibila¬ngan kapag sinabing “all the Members of the Senate” sa pag-compute ng two-thirds vote; kung magagamit ang 1949 Supreme Court ruling sa Avelino v. Cuenco sa pagdetermina kung sino ang isasama sa botohan; at kung ang isang senator-judge na hindi dumadalo o hindi lumalahok sa trial ay maaari pa ring makaboto.

Nagsumite si Davide ng memorandum dahil hindi ito personal na makakadalo. Aniya, dapat ibase ang denominator sa mga senador na kuwalipikadong bumoto at hindi awtomatikong 24 miyembro ng Senado.

“Clearly then, the basis of computing the two-thirds must be the number of senators who are qualified to vote, not the 24 in the present Senate,” diin ni Davide.

Ipinaliwanag nito na ang mga hindi dapat isama sa botohan ay mga senador na nag-resign, pinatalsik, incapacitated, nasa labas ng Pilipinas, hindi makumpirma ang kinaroroonan, pati na ang mga nakakulong at hindi magampanan ang kanilang trabaho.

Sinabi naman ni Panga¬niban na bagaman isinasaad ng Konstitusyon ang two-thirds boto ng 24 miyembro ng Senado, ang kalkulasyon ay hindi nakapako sa lahat ng pagkakataon.

“Therefore, 24 multiplied by two-thirds is always 16 in the abstract. But not always in reality,” ani Panganiban. “Reality sometimes, Your Honors, changes the denominator in mathematics.”

“Meaningful adjudication requires active participation in the search for truth and fairness. It is only in this manner that a verdict that is fair to the parties, fair to the Senators, and ultimately fair to our sovereign people,” giit pa niya.

Sabi naman ni Puno, “By using two-thirds, the number of votes to convict will have to move depending on certain factors.” (Dindo Matining)