Skip to content

September 15 - 8 am NEWS

September 15 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 15, 2026 | 9:47 AM

Nangako si NATO Secretary-General Mark Rutte ng karagdagang suporta para sa Ukraine at pagpapatibay ng depensa sa silangang hangganan ng alyansa kasunod ng mga serye ng pag-atake ng Russian drones na tumama malapit sa border ng Poland.

Ang pahayag ng NATO chief ay kasunod ng pag-atake ng Russia sa isang tren at crossing point malapit sa Poland, na nangyari ilang minuto lamang matapos dumaan ang kinalalagyang tren ng mga dating lider na sina dating UK Prime Minister Boris Johnson at dating Swedish Prime Minister Carl Bildt.

Mariing kinondena ng mga opisyal ng Europe at Poland ang insidente, habang nagbabala si Polish Prime Minister Donald Tusk na posibleng magpatuloy at tumindi pa ang mga kilos-sabotahe at pag-atake ng Russia sa mga border points sa mga susunod na buwan.

Bilang tugon sa mga panawagan ng pagpapahinto ng gulo, inihayag ni US President Donald Trump sa social media na nagkasundo diumano ang Russia at Ukraine na itigil ang pag-atake sa kani-kanilang energy infrastructure upang mapababa ang presyo ng langis at diesel.

Gayunpaman, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Moscow o Kyiv ukol sa sinasabing kasunduan ni Trump, habang nagpatuloy pa rin ang mga pag-atake ng Russia sa dalawang cargo vessel sa Black Sea at sa ilang bahagi ng rehiyon.

Inihayag naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na handa ang Ukraine na itigil ang strikes sa enerhiya ng Russia kung magagarantiya ng mga kaalyadong bansa na hihinto rin ang Moscow sa pag-atake sa pasilidad at supply ng pagkain ng Ukraine bilang unang hakbang patungong kapayapaan.

---

Ibinunyag ni US President Donald Trump na nais ng Iran na magkaroon ng kasunduan.

Ayon sa US President na mayroong ilang opisyal ng Iran ang nagpaabot ng pagnanais na posibilidad ng diplomatic opening para matapos na ang nagaganap na labanan.

Dagdag pa nito na pag-iisipan pa niyang mabuti kung pipillin niyang sumang-ayon na makibahagi sa pakikipag-usap sa Iran.

Isinagawa ng US President ang pahayag matapos na kanselahin ng Gulf Arab states ang planong pagpupulong sa Iran at mga Houthi rebels mula sa Yemen.

Magugunitang sumiklab muli ang kaguluhan sa Gitnang Silangan matapos na maglunsad ng pag-atake ng Iran sa mga dumaang barko sa Strait of Hormuz.