Skip to content

September 15 - 7 am NEWS

September 15 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 15, 2026 | 8:39 AM

Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magtatakda ng limang taon na termino para sa mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) official.

Labintatlong senador ang bumoto pabor sa Se¬nate Bill No. 2387, habang lima naman ang tumutol.

Bumoto laban dito sina Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III, Senators Risa Hontiveros, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, at Joel Villanueva.

Walang senador ang nag-abstain sa botohan.

Ipinagpapaliban din ng panukala ang nakatakdang barangay at SK elections sa Nobyembre 2, 2026 at ililipat ito sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028.

Ang kahintulad na panukala ay inaprubahan na rin ng Kamara de Representantes.

Nagpaliwanag naman si Senador Panfilo “Ping” Lacson na napapayag siya sa pakiusap ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na paboran ang panukala pero huli na nang malaman niyang kontra pala rito ang kaibigang si Sen. Sotto. (Issa Santiago)

---

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ang pangunahing target ng pagkagalit ni Vice Presi-dent Sara Duterte, at sa mga kinakaharap niyang problema ngayon.

Ito ang naging sagot ni Pangulong Marcos Jr. nang tanungin tungkol sa galit at mga batikos sa kanya ng Bise Presidente.

Sinabi ni Marcos Jr. na naririnig niya ang mga pahayag ni Duterte pero wala siyang maisagot sa mga ito.

“I hear about them, but I don’t really even have a response,” aniya.

Ayon sa Pangulo, posibleng galit si Duterte sa mga nangyayari sa kanya, at siya ang naging panguna¬hing puntirya ng naturang galit.

“If she feels very angry¬, I suppose, with what’s happening to her. And I am the target of that anger¬, or the main target of that anger. What can I do?” sabi ni Marcos. “You cannot force anyone to love you.”

Noong nakaraang Biyernes, Setyembre 11, iginiit ni Duterte ang pagbibitiw ni Pangulong Marcos dahil sa umano’y pagiging sinungaling at abusado. (Prince Golez)