Skip to content

September 15 - 6 am NEWS

September 15 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 15, 2026 | 7:47 AM

Inalis na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 12% value-added tax (VAT) sa pinapayagang system loss charge sa kuryente.

Maliit lamang ang iba¬baba ng electric bill dahil sisingilin pa rin ang system loss charge. Ang aalisin lamang ay ang VAT sa baha¬ging pasok sa limitas¬yong itinakda ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Pinirmahan ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ang Revenue Memorandum Circular No. 97-2026, nitong Setyembre 14, 2026 na nagpapatupad ng circular ang ERC Resolution No. 26, Series of 2026 na magtatanggal na sa VAT ng systems loss charge.

Sa ilalim ng bagong patakaran, ituturing na government-mandated pass-through cost ang pinapayagang system loss charge. Hindi na ito isasama sa gross sales na pinagbabatayan ng VAT.

---

Muling bumagsak ang palitan ng piso sa dolyar na nagsara sa bagong all-time low nitong Lunes, September 14 sa P62.86.

Mas mahina kaysa sa P62.68 na all-time low noong September 11, ayon sa datos ng Bankers Association of the Philippines.

Umabot pa sa P62.875 ang piso sa intraday trading, habang ang pinakama¬lakas na antas nito sa araw ay P62.75—kapareho ng opening rate dahil hindi na nakabawi ang piso.

Tuloy-tuloy ang pagsadsad ng piso noong huling bahagi ng Agosto at sunod-sunod na nagtala ng record lows nitong Setyembre.

Humina rin sa P62.838 ang BAP weighte¬d average rate mula P62.719 noong nakaraang trading day. Umabot naman sa $969.22 milyon ang mga transaksyon, mas mababa sa $1.14 bilyon noong September 11. (Eileen Mencias/Angelica Malillin)