Hinamon ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon si Vice President Sara Duterte na personal na dumalo sa Senate impeachment trial ngayong Lunes, Setyembre 14, kasabay ng pagsisimula ng paglalahad ng ebidensiya sa Article II o ang alegasyon ng unexplained wealth.
Ayon kay Ridon, mahalagang humarap ang Bise Presidente habang ilalatag ng House prosecution ang mga dokumento at testimonya kaugnay ng umano’y yaman ng pamilya Duterte na hindi maipaliwanag batay sa kanilang lawful income.
Sa tatlong buwang paglilitis at 23 hearing dates, hindi pa personal na dumadalo si Duterte sa impeachment proceedings, kaya’t paulit-ulit na rin siyang hinahamon ng mga prosecutor na humarap sa Senate impeachment court.
Samantala, inaasahang ilalatag ng prosecution ang mahigit 1,800 financial documents at testimonya ng ilang resource persons para sa Article II, kabilang ang mga rekord na may kaugnayan sa bank transactions at iba pang financial interests ng pamilya.
****
kwinestiyon ni defense counsel Atty. Mark Vinluan ang pagpapadala ni House Prosecutor Chel Diokno ng subpoena kay dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, sa halip aniya na Impeachment Court para sa pagharap nito bilang testigo sa pagbubukas ng Article IV o usapin ng unexplained wealth laban kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit ng depensa na hindi trabaho ng prosekusyon ang mag-isyu ng subpoena sa mga isasampang testigo kundi tungkulin aniya ng Impeachment Court.
Depensa ni Diokno sa nauna nitong sagot sa katanungan ni Senator-judge Imee Marcos dumaan sa proseso ng Impeachment Court ang paglabas ng subpoena, at kaya lamang umano ito ipinadala sa pamamagitan niya ay para sa security and protection purposes. Ayon sa kanya, layunin nitong maiwasang makatanggap ng bashing ang testigo, dagdag pa niyang hindi na ito bago dahil ginagawa na umano ito sa mga regular na korte bagay na sinalungat ng depensa.
**
Upang matiyak ang kaligtasan at agarang serbisyong medikal ng mga botante, nagpadala ang Philippine Red Cross (PRC) ng 53 personnel, bubuuin ng 14 na staff at 39 na volunteers, kasama ang iba’t ibang kagamitang pangkagipitan sa buong rehiyon ngayong Setyembre 14, 2026, kasabay ng ginagawang BARMM Parliamentary Elections.
Nakatutok ang deployment ng PRC sa apat na pangunahing chapter sa rehiyon: Basilan, Cotabato, Iligan city at Tawi-tawi. Sa kabuuan, naglagay ang humanitarian organization ng 2 ambulansya, 2 VERVs, 2 service vehicles, 7 First Aid stations, at 6 welfare stations sa mga kalsada, barangay, at mga paaralan o pamantasan na nagsisilbing botohan.