Skip to content

September 11 - 8 am NEWS

September 11 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 11, 2026 | 10:24 AM

Winasak ng militar ng Israel ang underground infrastructure ng Hezbollah sa Ali al-Taher ridge sa timog Lebanon upang mas palakasin ang itinuturing nitong security zone sa lugar.

Sa isang pahayag nina Prime Minister Benjamin Netanyahu at Defence Minister Israel Katz, sinabi nilang mananatili ang pwersa ng Israel sa rehiyon upang pigilan ang muling pagtatag at pagpapalakas ng grupong Hezbollah.

Ayon sa militar ng Israel, nakontrol nila ang higit dalawang kilometrong haba ng mga lagusan kung saan nakatago ang mga rocket, missile, drone, at iba pang kagamitang pandidigma ng Badr unit ng Hezbollah.

Naramdaman ang malakas na pagsabog sa rehiyon ng Nabatieh habang nagpatuloy ang mga operasyon sa kabila ng kasunduang ceasefire noong Hunyo.

Nananatiling nakabitin ang kasunduan dahil sa pagtanggi ng Hezbollah na isuko ang kanilang mga armas, habang ayaw namang umalis ng Israel hangga’t hindi nadidiskarmahan ang grupo.

Bumuo rin ang Israel ng mga estratehikong posisyon sa timog Lebanon mula noong 2023 upang magsilbing buffer zone laban sa mga banta ng Hezbollah.

---

Magsasagawa ng misa sa mga lugar kung saan naganap ang terror attack sa US bilang paggunita ng ika-25 taon ng terror attack.

Ayon kay Archbishop Paul Coakley ng Oklahoma City ang pangulo ng US Conferece of Catholic Bishops, na kabilang sa ilang mga pagsasagawan ng misa ay sa New York City; Washington DC; Pennsylvania.

Magugunitang mayroong apat na commercial plane ang na-hijack ng mga al-Qaeda group kung saan pinabagsak ito sa World Trade Center, isa sa Pentagon at sa Shanksville, Pennsylvania.

Sa nasabing pag-atake ay ikinasawi ng 2,977 katao ang nasawi kabilang ang 441 na first responders.

Gugunitain naman ni US President Donald Trump ang 25-taon ng tinaguriang 9-11 attack sa pamamagitan ng pagbibigay pugay sa ground zero.

Kasamang tutunguhin ni Trump ang Pentagon ang isa sa mga lugar kung saan bumagsak ang eroplano na na-hijacked ng mga teroristang grupo at inaasahan na magtutungo ito sa National September 11 Memorial and Museum.

Inatasan naman nito si Vice President JD Vance na magtungo sa World Trade Center ang lugar kung saan bumagsak ang na-hijacked na eroplano.