Skip to content

September 10 - 6 am NEWS

September 10 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Sep 10, 2026 | 7:54 AM

Dapat umanong tumulong sa gastos sa climate adaptation strategies ang gobyerno at mga pangunahing global carbon emitters para sa mga Pilipinong paulit-ulit na naaapektuhan ng matinding pagbaha at pag-ulan.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Antonio La Viña, associate director for climate policy at head ng Klima Center ng Manila Observatory.

“Ang gobyerno dapat nagsa-subsidize ng lahat ng ito, (adaption strategies). At hindi lang gobyerno natin, dapat ring iyong mga ma¬yayaman na bansa,” ani La Viña sa panayam sa private media.

“Kasi sila naman ang unang dahilan kung bakit tayo may climate change. Sila ang nagpapadami ng mga greenhouses gases sa atmosphere,” dagdag niya.

Dahil sa global warming at climate change na nagdudulot ng mas matitinding lagay ng panahon sa Pilipinas, naniniwala ang mga climate expert at activist na hindi dapat pasanin ng mga bulnerableng Pilipino ang kapalit ng krisis na hindi nila ginawa.

Dahil dito, nanawagan si La Viña ng mas malaking¬ pondo para sa climate adaptation, lalo na mula sa mga bansang nagpapalabas ng malaking dami ng greenhouse gases.

Ang mga bansang gaya ng Pilipinas, na kakaunti ang naaiaambag na polusyon, ang aniya’y pinakamatinding naaapektuhan ng mga sakuna, habang kadalasang nakalulusot ang mga pangunahing nagdudulot ng polusyon.

Ayon kay La Viña, dapat pagtuunan ng sektor ng agrikultura ang adaptasyon sa matinding panahon, na mas madalas nang nangyayari at nagdudulot ng malubhang problema sa mga magsasaka. (Angelika Cabral)

---

Nakatakdang bumiyahe sa India si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para dumalo sa BRICS Summit sa New Delhi sa Setyembre 12 at 13.

Makakasama ng Pa¬ngulo sa kanyang biyahe si First Lady Liza Araneta Marcos bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ni Indian Prime Minister Narendra Modi.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary at Spokesperson Analyn Ratonel na tema ng summit na isulong ang katatagan, innovation, kooperas¬yon, solusyon sa kawalang katiyakan sa ekonomiya, pagtugon sa hamon ng climate change at iba pa.

Sinabi ni Ratonel na sa pagdalo ng Pangulo sa summit ay magkakaroon ito ng pagkakataon na ipaliwanag sa mga miyembro ng BRICS ang mga panguna¬hing prayoridad ng Pilipinas bilang ASEAN chair.

Kabilang sa mga prayoridad ng bansa ang may kinalaman sa kapa-yapaan at seguridad, people empowerment at kasaganaan. (Aileen Taliping)