Posibleng tumaas ang singil sa kuryente at magkaroon ng mas maraming power outage sa bansa dahil sa matinding El Niño, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, ito ay dahil sa nagpapalala ang El Niño sa demand at suplay ng kuryente.
Gayunman, nakikipag-ugnayan umano ang DOE sa Energy Regulatory Commission upang matiyak na hindi sasamantalahin ng mga nagbebenta ng kuryente sa spot market ang sitwasyon.
Posible rin umanong maapektuhan ang suplay ng kuryente kapag mababa ang tubig sa mga ilog, kung saan nababawasan ang kapasidad ng hydroelectric plants.
Samantala, maaaring bumaba ang efficiency ng coal plants dahil sa sobrang init, habang maaari ring maapektuhan ang solar power kapag napakataas ng temperatura. (Angelica Malillin)
---
Bumaba sa 5.3% ang unemployment rate nitong Agosto, pero 2.77 milyong Pilipino pa rin ang walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Nabawasan ito ng humigit-kumulang 370,000 mula sa 3.14 milyong walang trabaho noong Hulyo, nang umabot sa 6.0% ang unemployment rate.
Pero kumpara sa Agosto 2025, nadagdagan ng 740,000 ang mga walang trabaho. Nasa 2.03 milyon lamang sila noon nang ang unemployment rate ay nasa 3.9%.
Umabot naman sa 49.79 milyon ang mga may trabaho mula sa 49.21 milyon noong Hul¬yo. Mas mababa pa rin ito sa 50.10 milyon noong Agosto 2025.
Sa agrikultura at paggugubat pinakamalaki ang nadagdag na manggagawa kumpara sa Hulyo, sa 847,000. Sumunod ang konstruksiyon sa 390,000, at kalakalan at pagkukumpuni ng sasakyan at motorsiklo sa 227,000. (Eileen Mencias)