Skip to content

October 7 - 8 am NEWS

October 7 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 07, 2026 | 10:56 AM

Ipinahayag ng tagapamagitan mula sa Qatar na patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng Estados Unidos at Iran sa isa’t isa upang wakasan ang digmaan sa Gitnang Silangan, sa kabila ng pitong buwang labanan sa rehiyon.

Ayon kay Ibrahim Al-Hashmi, isang opisyal ng Qatari Foreign Ministry, isinasaalang-alang sa mga hindi direktang negosasyon ang mga hinaing at usapin ng iba’t ibang panig.

Sa kabila ng ceasefire noong Abril, memorandum of understanding noong Hunyo, at mga negosasyon sa UN General Assembly noong nakaraang buwan, nananatiling hindi nagkakasundo ang Washington at Tehran hinggil sa kalakalan at transportasyon ng langis sa Strait of Hormuz.

Nitong Lunes, sinabi naman ni Iranian President Masoud Pezeshkian na “meaningless” o walang silbi ang pakikipag-usap sa US dahil nagreresulta lamang ito sa mga panibagong pag-atake.