Skip to content

October 6 - 7 am NEWS

October 6 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 06, 2026 | 8:40 AM

Inaasahang babalik sa trabaho si Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Nicolas Torre III sa Oktubre 16.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, pinalawig ni Torre ang kanyang leave of absence hanggang Oktubre 15.

Naka-leave si Torre mula Setyembre 8 matapos maharap sa kontrobersiya kaugnay ng paggamit ng kanyang pribadong SUV sa exclusive EDSA Busway.

Gayunman, sinabi ni Artes na patuloy pa rin umanong tumutulong at ginagampanan ni Torre ang kanyang mga tungkulin sa MMDA kahit naka-leave at hindi regular na pumapasok sa opisina.

---

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang Marcos admin umano ang nakikita niyang nasa likod ng mga alegasyon laban sa kanya.

Inihayag ito ni Vice President Sara Duterte kasabay ng mga naging claims ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr., kaugnay sa pagkakatanggap nito ng mga maleta na may laman na pera mula kay dating House Speaker Lord Allan Velasco.

“Sino ang nasa likod ng paninira sa akin? Administrasyon. Ang Palasyo, si BBM. Makikita niyo naman ‘yung mga declarations, mga statement ng Office of the President, eh. Nandyan pa ‘yung impeachment trial nila.” Dagdag pa ng bise presidente.

Bukod kay Duterte, sinabi rin ni Gracioso na nagpadala rin ito ng pera kay Davao City 1st District Representative Paolo Duterte at dating pangulo Rodrigo Duterte.

Pinabulaan din ni Duterte ang alegasyong magpapasa siya ng kanyang affidavit sa Huwebes, Oktubre 8.

Aniya, ang mga paratang laban sa kanya ay orihinal na nakadirekta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasalukuyang sumasailalim impeachment trial ng Senado ang bise Presidente, na nasa ika-34 na araw na ngayong Martes.