Skip to content

October 5 - 8 am NEWS

October 5 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 05, 2026 | 10:13 AM

Inilipat ng Estados Unidos ang kanilang mga long-range bomber pabalik sa kanilang mga home station sa Amerika matapos ang isang hindi tinukoy na bagong banta, ayon sa isang opisyal ng US.

Ito ay ilang araw matapos arestuhin ng pamahalaang Briton ang ilang indibidwal na may kaugnayan sa umano’y Iranian plot na targetin ang United Kingdom airbase kung saan nakabase ang mga eroplano.

Tinawag ng ilang familiar sources na ito ay isang pinakabagong banta na “real world incident.”

Ayon sa mga ulat na hindi pangkaraniwan na ibabalik ng US military ang mga bomber sa kanilang mga home station sa halip na dalhin o idestino ang mga ito sa ibang base sa rehiyon, ayon sa opisyal.

Wala pang komento ang UK Ministry of Defense kaunay nito.

---

Nakahanda ang Iran sakaling pumalpak ang isinusulong ng peace deal nila ng US.

Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na naisumite na nila ang kanilang kasagutan sa “7-day plan” at ito ay kasalukuyang sumasailalim sa internal review.

Layon ng nasabing plano na matigil na ang giyera at muling buksan ang Strait of Hormuz ganun ang muling pagbubukas ng final peace deal.

Sa mga susunod na araw ay iaanunisyo ng Iran ang kanilang posisyon ukol sa plano.

Subalit kanilang tinitiyak na nakahanda sila sa anumang senaryo sakaling pumalpak ang pag-uusap.

---

Hindi pa muling bubuksan ng Iran ang Strait of Hormuz hanggang hindi natutupad ang mga kondisyong itinakda nito sa pansamantalang kasunduan sa United States noong Hunyo, ayon kay Iranian Parliament Speaker Mohammad Baqer Qalibaf.
Sinabi ni Qalibaf na maaaring maibalik sa normal ang pagdaan ng mga barko sa mahalagang rutang pandagat sa loob ng pitong araw kapag natugunan ang mga kondisyon.

Ayon naman sa Iranian Foreign Ministry, pangunahing hinihingi ng Tehran ang malinaw na hakbang mula sa Washington para maibalik ang seguridad sa Strait of Hormuz.
Itinanggi rin nito na nag-alok ang Iran ng nuclear inspection kapalit ng pag-alis ng US sanctions.
Patuloy namang namamagitan ang Qatar sa Washington at Tehran para matapos ang sigalot at muling mabuksan ang Strait of Hormuz na mahalagang daanan ng malaking bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas.
Samantala, nagbabala si Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi na handa ang kanilang bansa na tumugon kung muling gagamit ng military action ang US laban sa Iran.
Sinabi rin ng isang Iranian Army spokesperson na palalakasin ng bansa ang range ng mga missile nito.