Skip to content

October 5 - 6 am NEWS

October 5 -  6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 05, 2026 | 7:48 AM

Maraming kaso ng smugglin¬g ang hindi umuusad sa korte dahil iniipit umano ng Bureau of Customs (BOC) ang mga dokumento na gagamiting ebidensiya.

Ito ang naging problema ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla noong naninilbihan pa siyang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

“Ang problema sa Customs ayaw nilang kumpletuhin ang documentation para madismis ang kaso,” paglalahad ni Remulla sa kanyang radio program nitong weekend.

“Finile namin ‘yung kaso o kaya iimbestigahan namin. ‘Pag hinihingi na namin ‘yung dokumento ayaw dumating ‘yung dokumento. Walang data sharing,” himutok pa niya.

Mabuti pa umano ang Department of Budget and Management (DBM) dahil pumayag na sila sa data sharing kaya kahit Ombudsman na si Remulla, pipilitin pa rin niya ang BOC na maglabas ng mga dokumento kontra smugglin¬g.

“At least ang DBM pumayag na sa data sharing¬, ngayon ang Customs na ang icha-challenge namin,” babala ni Remulla.

Samantala, isiniwalat naman ni Senador JV Ejercito na isang opisyal ng gobyerno ang tumatanggap ng buwanang P5 mil-yong payola mula sa ope¬rasyon ng fake cigarette.

“Ang payola niyan P5 million a month pang-proteksiyon lang,” wika ni Ejercito sa parehong radio program.

Sinabi ng senador na isinumbong na niya sa National Bureau of Investigation ang isyu ng protection money at mobile pabrika ng sigarilyo.

---

Hindi umubra ang palusot ng ilang rali¬yista na nagtangkang magdaos ng lightning rally sa Malacañang complex makaraang pigilan sila ng mga nagbabantay na tauhan ng Presidential Security Command (PSC) nitong Linggo ng umaga.

Ang mga raliyista ay nagpanggap na magsisimba sa St. Jude Church subalit agad natunuguan ng mga tauhan ng PSC nang magsimulang magtipon-tipon malapit sa gate ng simbahan.

Hindi na nakausad pa ang mga raliyista palapit sa Mabini gate dahil napigilan agad ito ng mga nagrespondeng tauhan ng PSC.

Mabilis na napaalis ang grupo matapos hindi umubra ang pakikipagtulakan sa mga tauhan ng PSC.

Ang pansamantalang tulakan at pagmamatigas ng mga raliyista ay nagdulot ng pansamantalang traffic sa kahabaan ng J.P. Laurel St. sa loob ng Malacañang complex. (Aileen Taliping)