Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang expanded number coding scheme sa Nobyembre 2.
Ayon sa abiso ng MMDA kahapon, bahagi ito sa paggunita ng tradis¬yonal na Araw ng mga Kaluluwa o All Souls’ Day.
Inihayag ng ahensiya na awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing regular at special non-working holiday.
Pinaalalahanan naman ng ahensiya ang publiko na planuhing mabuti ang biyahe upang maiwasan ang anumang problema sa kal-sada, sumunod sa batas-trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho.
Hinikayat din nito ang mga motorista na i-dial ang 136 Hotline kapag nagkaroon ng aber¬ya sa daan. (Angelica ¬Malillin)
---
Wala umanong ideya si lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky” Luistro hinggil sa P1.31 bil¬yon na insertions umano sa kanyang distrito sa 2027 national budget na ipinasa ng Kamara de Representantes
Ayon sa Batangas solon, hindi umano niya nasubaybayan ang budget hearing dahil nakapokus ito sa Seante impeachment trial at tinanong na umano nito ang House committee on appropriations ukol dito na wala umano itong katotohanan.
“So I will have to double check kung paano nangyari ‘yan. What I understand kung ano ‘yung NEP ‘yun din ‘yung HGAB and I wish to express our faith and confidence in the process which the institution follows,” ani Luistro. (Bernard Taguinod)
---
Dumalo si Senador Jinggoy Estrada sa pagdinig ng kanyang plunder case sa Sandiganbayan Fifth Division nitong Miyerkoles kung saan nakaharap niya ang dating kaibigan na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo.
Ito ang unang pagkakataon na dumalo si Estrada dahil sa mga naunang pagdinig ay humaharap lamang siya sa videoconference mula sa New Quezon City Jail sa Payatas.
“Ang dami niyang pinahamak eh,” wika ng senador nang matanong sa ambush interview hinggil sa sinabi umano ni Bernardo na ayaw niyang ipahamak ang kanyang mga kaibigan.
Aniya, kuntento siya sa cross examination ng kanyang mga abogado dahil napalabas ang napakaraming inconsistency sa testimonya ni Bernardo.
Noong Martes, humarap sa anti-graft court si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at sinabing nagsingit si Estrada ng higit P7 bilyon sa 2025 national budget. Itinangi naman ito ng senador.
Pinadagdagan din umano ni Estrada ng P500 milyon ang orihinal na P500 milyon nitong Senate Leadership Fund sa pamamagitan ni Bernardo.