Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang libreng toll fee. Ayon sa Pangulo libre ang toll fee hanggang sa katapusan ng taon sa December 31,2026.
Inaasahang makikinabang ang mga motorista sa pagbubukas ng NLEX-C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A. Ayon sa Pangulo, malaking ginhawa ito para sa mga motorista lalo at malapit na ang holiday season.
Kaninang umaga Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbubukas ng bagong bahagi ng expressway nitong Huwebes, na naglalayong mapabilis ang biyahe sa pagitan ng Quezon City at Valenzuela City.
Ang bagong seksiyon ay may habang humigit-kumulang dalawang kilometro at nag-uugnay sa Mindanao Avenue at Quirino Highway. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapabawas ng trapiko sa mga pangunahing kalsada at makapagbibigay ng alternatibong ruta sa mga motorista.
---
Inanunsyo ni US Secretary of War Pete Hegseth ang pagdaragdag ng pondo para sa security cooperation upang mapabilis ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mapalakas ang interoperability ng dalawang bansa.
Isinagawa ang anunsyo sa ginanap na bilateral meeting sa pagitan nina Hegseth at Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr., bagama’t hindi muna tinukoy ng US Department of War ang eksaktong halaga ng karagdagang pondo.
Nagkasundo ang dalawang opisyal na pabilisin ang modernisasyon ng command and control systems upang mapahusay ang real-time coordination ng Pilipinas at Estados Unidos sa larangan ng depensa.
Tinalakay rin sa naturang pulong ang pagbuo ng mga karagdagang pasilidad at kritikal na imprastraktura sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Naganap ang anunsyo kasabay ng pagtitipon ng mga lider ng depensa sa Mactan Expo sa Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu para sa ika-20 ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) at ika-13 ADMM-Plus ngayong Oktubre 28 at 29, 2026.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng hiwalay na talakayan si Secretary Teodoro at Japanese Defense Minister Koizumi Shinjiro upang patatagin ang kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa depensa at maritime security sa rehiyon ng Indo-Pacific.
Samantala, kinumpirma naman ng China na ang kaniyang Defense Attaché lamang ang dadalo sa ADMM-Plus sa Cebu, na itinuturing ng marami bilang pinakamababang antas ng kanilang pakikilahok simula noong 2010.
Nananatili namang nakatutok ang mga lider ng depensa sa ASEAN sa pagpapaigting ng seguridad sa karagatan sa gitna ng mga nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea.
Sa kabilang dako, pormal ding pinalakas ng Philippine Coast Guard (PCG) at BFAR ang suporta sa mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng krudo.
Tiniyak ng DND na ang lahat ng mga bilateral at multilateral defense agreement na ito ay naglalayong magpanatili ng kapayapaan, katatagan, at disaster resilience sa buong rehiyon.