Skip to content

October 28 - 7 am NEWS

October 28 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 28, 2026 | 8:42 AM

Tinutulan ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang hangarin ng prosekus-yon na tanggapin ng International Criminal Court (ICC) ang recorded testimony ng dalawang testigo sa kasong crimes against humanity ng dating Pa¬ngulo.

Sa public redacted filing na may petsang Oktubre 26, hiniling ng depensa sa ICC Trial Chamber 3 na ibasura ang request ng prosekusyon na tanggapin ang recorded testimony ng mga testigong si P-1393 at P-1416, habang hindi naman nila tinulutan ang ikatlong testigo na si P-1370.

Paliwanag ng depensa, ang testimonya nina P-1393 at P-1416 ay malaki ang epekto sa kaso kaya kinakailangan ang masu¬sing eksaminasyon upang matukoy ang kanilang kredibilidad at katotohanan ng kanilang mga pahayag.

“The Defence supports the use of Rule 68(2)(b) to expedite the trial, particularly in light of Mr. Duterte’s age and frailty. However, procedural efficiency must not come at the expense of his fundamental right to defend himself effectively,” ayon sa mosyon ng depensa.

Hiniling ng prosekusyon na maipasok ang tatlong testigo na nauna nang may recorded testimonies sa ilalim ng Rule 68(2)(b) ng Rules of Procedure and Evidence ng ICC.

Pormal na magsisimula ang paglilitis ng kasong crimes against huma¬nity laban kay Duterte sa Nobyembre 30.

---

Umaabot umano sa P7.4 bilyon ang congressional initiatives ni Senador Jinggoy Estrada sa 2025 national budget, ayon kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Bahagi ito ng testimonya ni Bonoan sa Sandiganbayan Fifth Division nitong Martes, Oktubre 27, nang ipagpatuloy ang hearing ng petisyon ni Estrada na makapagpiyansa sa kasong plunder kaugnay ng mga natanggap umano niyang kickback sa flood control projects.

Kinontra ng abogado ni Estrada ang pagtukoy sa P7.4 bilyong congressional initiatives, sa pagsasabing irrelevant umano ito.

Sagot naman ni special prosecutor Reza Derayunan: “It is not irrelevant since it is part of the congressional initiatives allocated to Senator Estrada for fiscal year 2025.”

Depensa naman ng abogadong si Lawrence Arroyo, bagaman bahagi ito ng 2025 General Appropriation¬s Act, hindi naman ito kasama ng mga alegasyon sa amended Information.

Aniya, ang isinama lang umano sa alegasyon ay P2 bilyon at hindi higit sa P7 bilyon.

Sa kabila nito, pinahintulutan pa rin ni Associate Justice Zaldy Trespeses na tanggapin ng korte ang pahayag ni Bonoan.

Isiniwalat din ni Bonoan na humiling umano si Estrada ng P1 bilyon sa ilalim ng 2025 Senate Leadership Fund.

Ayon kay Bonoan, ha¬ngarin ng Senate Leadership Fund na huwag nang pakialaman ng mga senador ang budget ng DPWH.

Binanggit pa ni Bonoan na ang yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral ang nagrekomenda ng P500 milyong leadership fund kay Estrada, pero pinadagdagan ito ni da¬ting DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ng P500 milyon dahil nahalal noon si Estrada na Senate President Pro Tempore.