Skip to content

October 21 - 8 am NEWS

October 21 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 21, 2026 | 10:05 AM

 Sinang-ayunan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang panukalang magdeklara ng state of calamity dahil sa inaasahang epekto ng “Super El Niño” sa bansa.

Sa pagdinig sa Senado, sinuportahan ni Laurel ang mungkahi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na magdeklara ng state of calamity o imminent disaster upang matiyak ang sapat na pondo at suporta para sa pagtugon sa epekto ng El Niño.

Ayon kay Pangilinan, mahalagang maagapan ang epekto ng El Niño upang mabigyan ang Department of Agriculture (DA) ng mga kinakailangang resources, batas at executive order para sa pagtugon sa posibleng pinsala.

---

Nanawagan ang Malacañang kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko na at harapin ang kasong kinakaharap nito upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Sa press briefing nitong Miyerkules, Oktubre 21, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na mas makabubuting sumuko na lamang ang senador sa halip na patuloy na magtago.

“Wala nang dugong dadanak,” ayon kay Castro.

Sinabihan din ni Castro ang mga nagkakanlong kay Dela Rosa na huwag magsilbing tulay upang matakasan ng senador ang mga kasong kinakaharap nito.

Wanted si Dela Rosa dahil sa arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court kaugnay ng umano’y krimen laban sa sangkatauhan kaugnay ng madugong kampanya kontra droga sa Pilipinas noong Duterte admin.