Skip to content

October 2 - 8 am NEWS

October 2 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 02, 2026 | 9:33 AM

Pinuri ni Russian President Vladimir Putin ang Iran dahil sa tapang nila harapin ang pag-atake ng US.

Sinabi nito na binabantayan ng buong mundo ang mga pangyayari at ito ay namamangha sa lakas ng loob ng Iran.

Inihalimbawa nito ang financial sanctions na ipinataw ng US sa Iran.

Nagkaroon kasi ng matibay na ugnayan ang Russia at Iran sa military at commercial na ikinagalit ng ilang mga bansa.

Magugunitang naglunsad ng pag-atake ang US sa Iran dahil sa pagkakaroon nila ng nuclear weapon.

---

Nais ng South Korea military na dapat ay humingi ng paumanhin ang North Korea dahil sa pagsabog ng landmine sa Demilitarized Zone (DMZ) ang buffer zone separating ng dalawang Koreas.

Ayon sa South Korea military na ang ginawa na ito ng North Korea ay isang malinaw na paglabag sa dekadang tigil putukan.

Mariing itinanggi naman na ito ng North Korea.

Sinabi ng North Korea na walang basehan ang alegasyon ng South Korea.

---

Napaslang ng mga pirata ang limang crew members ng Palau-flagged oil tanker habang nasa karagatan ng Somalia.

Ayon sa Somali authorities, na bago nila maisagawa ang pag-rescue sa mga sakay ng MT Honour 25 ay napatay na ang limang biktima.

Ito ang itinuturing na unang pagkakataon na pagpatay ng mga pirata ng Somalia matapos ang ilang dekada.

Ang MT Honour 25 ay may kargang 18,500 na bareles ng langis.

Ito ay sinakop ng mga pirata mula pa noong Abril 21.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng tatlong Pakistani, isang Indian at isang Myanmar national.

Ayon sa Puntland Maritime Police Force (PMPF) na ang barko ay ligtas na at nasa kontrol na ng gobyerno.