Pitong overseas Filipino workers (OFWs) na ang sugatan habang nananatiling nasa kritikal na kundisyon ang tatlo sa mga ito, batay sa pinakabagong ulat ng Department of Migrant Workers (DMW) ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes, Oktubre 19.
Ayon sa inilabas na pahayag nito, sanib-pwersa ang ahensiya ng DFA at DMW sa patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa awtoridad ng Saudi Arabia para magpaabot ng tulong sa mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa nasabing bansa.
Kaugnay ito ng mga naganap na pag-atake sa King Khalid International Airport noong Sabado ng nakaraang Linggo.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang ahensiya sa mga pamilya ng nasawi sa kaguluhan maging sa mga sugatan sa trahedya.
“The Philippine Government extends its deepest condolences to the families of those killed in the attacks in several areas of the Kingdom of Saudi Arabia, and wishes a speedy recovery to those injured,” saad ng DFA sa inilabas nitong pahayag.
Nanawagan din ang ahensiya sa lahat ng panig na wakasan ang paggamit ng dahas at idaan na lamang sa mapayapang resolusyon at diplomasiya ang kaguluhan ng mga ito.
Pinaalalahanan naman ang mga Pilipino sa Saudi na sumunod sa mga gabay ng lokal na awtoridad at panatilihing at ugnayan nito sa Embahada at Consulate General.
---
Siyam na araw bago ang gaganaping halalan sa Israel, opisyal na inendorso ni US President Donald Trump si Prime Minister Benjamin Netanyahu sa pamamagitan ng kaniyang pahayag sa Truth Social.
Inilarawan ng Pangulo ng Estados Unidos si Netanyahu bilang isang malakas na lider at mahalagang katuwang sa pakikipaglaban sa banta ng bansang Iran.
Nagbabala rin si Trump na kapag hindi muling naitalaga si Netanyahu ay mapipilitan ang Amerika na solong harapin at labanan ang militar ng Iran nang walang suporta ng Israel.
Sa kabila ng mga ulat na hindi sumang-ayon ang ilang tagapayo ng pangulo sa pampublikong pag-endorso, nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si Netanyahu sa ipinakitang suporta ng pinuno ng Estados Unidos.
Samantala, binigyang-diin naman ng mga oposyon sa Israel na tanging ang mga mamamayan pa rin ng kanilang bansa ang may pinal na karapatang magpasya sa lalabas na resulta ng halalan.