Skip to content

October 16 - 8 am NEWS

October 16 - 8 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 16, 2026 | 10:03 AM

Umani ng suporta mula sa mga lider ng European Union (EU) si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa nagdaang huling araw ng EU summit sa Brussels, Belgium.

Kaugnay ito ng nagpapatuloy na hidwaan ng Ukraine laban sa Russia.

Nagkaisang nanindigan ng suporta sina EU chiefs, European Commission President Ursula von der Leyen at European Council President Antonio Costa, sa paghimok nito sa mga kaalyadong tulungan ang Ukraine at maging sa pagdagdag ng pwersa laban sa Russia.

“This is no time to withdraw support to Ukraine. This is no time to relieve Russia’s sanctions. Now it is time to increase our support, to increase our pressure,” ani Costa.

Dagdag din ni von der Leyn na hindi nito babawiin ang mga sanction na ipinataw sa Russia hanggang sa itigil na nasabing bansa ang nagpapatuloy na digmaan.

Kaugnay ito ng naunang desisyon ng US na pawiin ang mga ipinataw nitong sanctions sa Russian oil exports maging sa shadow fleet nito matapos ang nangyaring phone call sa pagitan ni US President Donald Trump and Russian President Vladimir Putin.

---

Dalawang security guard at tatlong iba pa ang nasawi matapos magpakawala ng limang missile ang mga rebeldeng Houthi sa presidential palace complex sa timog na lungsod ng Aden sa Yemen nitong Huwebes.

Ligtas naman at walang natamong sugat ang prime minister at mga miyembro ng gabinete ng Yemen na kasalukuyang berada sa loob ng Maashiq presidential palace noong mangyari ang naturang pag-atake, ayon kay Information Minister Moammar al-Eryani.

Ayon naman sa tagapagsalita ng militar ng Houthi na si Yahya Saree, ang insidente ay bahagi ng kanilang pormal na patakaran na sadyang targetin ang mga saudi military build-ups saan man ang mga ito matagpuan.

Inihayag ng Houthi-run Saba news agency na ang kanilang binomba ay ang headquarters ng military operations ng mga opisyal ng Saudi Arabia kasama angimbakan ng mga sandata sa loob ng complex.

Narinig ng ilang mga saksi ang napakalakas na pagsabog sa paligid ng palasyo habang patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang seguridad sa buong rehiyon matapos ang naturang pag-atake.