Skip to content

October 14 - 7 am NEWS

October 14 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 14, 2026 | 8:46 AM

Aalisin ng mga prose¬cutor ng International Criminal Court (ICC) ang halos 7,000 item sa listahan ng mga ebidensiya sa kasong crimes against humanity ni dating Pa¬ngulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang mungkahing pagbabawas ay bahagi ng muling pagsasaayos at pagsusuri ng prosekusyon sa mga materyal na balak nitong iharap sa paglilitis. Sa ngayon, 253 item na ang inalis ng prosekusyon sa listahan.

Sa dokumentong isinumite noong Oktubre 6 at isinapubliko nitong Martes, sinabi ng prosekus¬yon na hinati nito sa pitong kategorya ang mga ebidensiya para sa paglilitis na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30.

Kabilang sa mga kate¬gorya ang mga mater¬yal na binanggit sa trial brief at mga kalakip nito, ebidensiyang may kaugnayan sa mga testigo, mga talumpati ni Duterte, at ng iba pang umano’y kasabwat, mga materyal mula sa mga partikular na koleksiyon, mga dokumento ng mga non-go¬vernmental organization, at mga materyal mula sa pampublikong online sources. (Angelika Cabral)

---

Sinuspinde ng Sandiganbayan Fifth Division si Senador Jinggoy Estrada sa loob ng 90 araw dahil sa mga kasong kinakaharap nito kaugnay ng flood control scandal.

Sa resolusyon na inilabas nitong Oktubre 12, ipinag-utos ng korte ang pagsuspinde kay Estrada sa kanyang posisyon bilang senador, at sa alinmang pampublikong tanggapan habang umiiral ang naturang utos.

Ipinataw ang preventive suspension matapos resolbahin ng korte ang lahat ng usapin kaugnay ng pagiging balido ng mga impormasyon o paratang laban sa senador.

Kusa namang maaalis ang suspensiyon kapag natapos na ang 90 day period.

Inatasan din ang Senado na ipagbigay-alam sa korte ang kanilang aksiyon sa loob ng limang araw mula sa pagtanggap ng utos.

Ito na ang pangalawang ipinataw na suspensiyon ng Sandiganbayan kay Estrada. Nakakulong sa New Quezon City Jail sa Payatas si Estrada dahil sa kasong plunder at graft. (Issa Santiago)