WORLD NEWS
Patay ang isang katao at marami ang sugatan matapos magkaaberya ang roller coaster sa isang amusement park sa Georgia, United States of America.
Ayon sa Cobb County Police Department, na nahulog umano ang isang lalai sa Six Flags Over Georgia amusement park.
Base sa inisyal na imbestigasyon na nahulog ang biktima mula sa Goliath rollercoaster.
Nahulog umano ang biktima mula sa sinakyan nitong rollercoaster.
Nagpatawag na ng imbestigasyon si Mableton Mayor Michael Owens sa nasabing insidente.
***
Pinatawan ng sanction ng pamahalaan ng China ang communications minister ng Paraguay na si Gustavo Villate at foreign minister ng Belize na si Francis Fonseca dahil sa kani-kanilang pakikipag-ugnayan sa Taiwan.
Kabilang sa mga ipinatupad na parusa ng Chinese Ministry of Foreign Affairs ang pag-freeze sa kanilang mga ari-arian sa Tsina, pagbabawal sa pagpasok sa Hong Kong at Macau, at pagbabawal sa anumang transaksyon ng mga kumpanyang Tsino sa dalawang opisyal.
Inakusahan ng Beijing ang dalawang ministro ng paggawa ng mga hakbang na diumano’y nagpapasama sa pambansang soberanya at pangunahing interes ng Tsina sa pamamagitan ng pagsuporta sa Taiwan.
Isinagawa ang pagpapataw ng sanksyon dalawang araw matapos ang pagdiriwang ng National Day ng Taiwan kung saan muling pinagtibay ng Paraguay at Belize ang kanilang ugnayan sa naturang isla.
***
Dinala na sa pagamutan si Pope Leo XIV para sumailalim sa operasyon.
Ayon sa Vatican, nasa Agostino Gemelli University Policlinic hospital ang 71-anyos na Santo Papa para matanggal ang kaniyang “nodule” sa kaniyang lung.
Ang nodule ay namuong tissue na ito ay kusang lumalaki.
Ang nasabing pagamutan ay mayroong special suite ng kuwarto para sa Santo Papa sa ika-sampung palapag.
Dahil sa pagsasailalim ng Santo Papa sa operasyon ay kinansela nito ang lahat ng mga public events niya ng hanggang Oktubre 20.