Skip to content

October 13 - 6am NEWS

October  13 - 6am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Oct 13, 2026 | 6:30 AM

Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hinding-hindi ito magbibitiw sa kaniyang puwesto.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng mga political pressure at legal challenges na kinakaharap ng Bise Presidente kabilang na ang impeachment trial.

Giit nito na hindi ito magpapaapekto sa nasabing mga anomalyang na ibinabato sa kaniya.

Wala namang balak itong umatras sa pagtakbo sa pagkapanguo sa susunod na halalan.

Itinuturing pa ng Pangalawang Pangulo na isang blessing ang impeachment trial dahil makikilatis ng mga tao ang tunay niyang pagkatao.

***

Sinagot ni Department of Energy  Secretary Sharon Garin ang panawagan ng ilang grupo na magbitiw siya sa pwesto dahil sa umano’y kapabayaan o pagkabigo nitong magampanan nang maayos ang kaniyang tungkulin sa gitna ng suliranin sa enerhiya.

Ayon kay Sec. Garin, nauunawaan niya ang panawagan ng mga ito dahil nagpapakita lamang ito na nagmamalasakit ang publiko sa sitwasyon ng enerhiya sa bansa.

Aniya, habang nasa posisyon siya ay patuloy siyang magtatrabaho sa ilalim ng pagtitiwala ni Pangulong Marcos, at tatanggapin at igagalang niya kung ano man ang magiging desisyon ng Pangulo.

Naniniwala rin ang kalihim na naging maayos ang pamamalakad ng ahensya at ang pagtugon nito sa mga kinakaharap na suliranin.

Ipinaliwanag niyang sa sektor ng enerhiya ay kinakailangan talagang magplano nang maagap dahil ang epekto ng mga aksyon ngayon ay mararamdaman pa pagkaraan ng limang taon.

***

Inihayag ng House Prosecution panel ngayong araw na pormal na nilang ididispensa ang Articles I at IV ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, na tumutukoy sa mga alegasyon ukol sa confidential funds at grave threats, upang ganap na ituon ang kanilang kaso sa Article II hinggil sa diumano’y unexplained wealth ng Bise Presidente.

Dahil sa naging hakbang ng prosecution, tanging ang ikalawang artikulo na lamang ang ititira ng panel para sa kaniyang formal offer of exhibits sa harap ng impeachment court. 

Sa pamamagitan ng pag-alis sa mga paratang na may kaugnayan sa maling paggamit ng confidential funds at diumano’y pambabanta, itinuon ng prosecution ang buong bigat ng kaso sa mga nakalap na financial records at forensic analysis ukol sa hindi maipaliwanag na yaman at mga ari-arian ng pamilya Duterte.