Kinumpirma ng mga opisyal ng Tennessee na bigo silang maisagawa ang pagpapatupad ng hatol na kamatayan kay Christina Gail Pike noong Miyerkules, Setyembre 30, kaugnay ng pagpaslang na kanyang ginawa noong 1995, matapos siyang bigyan ng dalawang doses ng lethal drug.
Ayon sa kanyang mga abogado, nakita nilang nanatiling gising si Pike at malakas pang humihilik matapos ang unang pagtatangka sa pagpapatupad ng hatol na kamatayan. Kalaunan, isinugod siya sa ambulansya mula sa bilangguan.
Nakatakdang ipatupad kay Pike ang hatol na kamatayan alas-10 ng umaga noong Miyerkules, kaugnay ng krimeng kanyang ginawa noong siya ay 18 taong gulang pa lamang. Kung maisasagawa ang execution, siya sana ang unang babaeng papatawan ng bitay sa Tennessee sa loob ng mahigit 200 taon.
Isang oras bago ang nakatakdang pagpapatupad, pansamantalang ipinahinto ang execution. Makalipas ang ilang oras, ibinasura naman ng U.S. Supreme Court ang naturang kautusan.
Ayon sa mga abogado ni Pike, dalawang doses ng pentobarbital ang ibinigay sa kanya.
Samantala, sinabi ni Robin M. Maher, executive director ng Death Penalty Information Center, na ang naranasan ni Pike ay “hindi pangkaraniwan at walang katulad.”
---
Itinuturing ni Israeli Prime Minister Benajamin Netanayahu na isang tangkang terrorist attack sa kanilang bansa at sa United Arab Emirates ang naganap na pananaksak ng piloto sa kapwa piloto.
Inilabas na rin nito ang pagkakakilanlan ng biktimang piloto na si Smit Machchhar mula sa India.
Pinuri nito ang pilot captain dahil sa pagiging bayani kung saan iniligtas nito ang 174 na mga pasahero.
Kahit na nasaksak ay nagawa pa nitong lumaban at binuksan ang cockpit door para matawag ang pansin ng mga pasahero.
Nakausap na rin ni Netanyahu ang mga pasahero kung saan ibinahagi nila ang karanasan at kung paano nila nailigtas ang eroplano bago bumagsak.
Dahil sa pangyayari ay napilitang mag-emergency landing ang eroplano Saudi Arabia.