Ibababa ng gobyerno ang water allocation para sa Metro Manila simula Oktubre bilang paghahanda sa posibleng epekto ng super El Niño.
Ayon sa National water resources board (NWRB), mula sa regular na 50 hanggang 53 cubic meters per second, magiging 44 cubic meters per second ang alokasyon para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Babawasan din ang water allocation para sa irigasyon mula sa karaniwang 30 hanggang 35 cubic meters per second patungong 20 cubic meters per second pagsapit ng Oktubre.
Ayon sa NWRB, layunin ng hakbang na matiyak ang sapat na suplay ng tubig para sa publiko at sektor ng agrikultura.
Sinabi rin ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na batay sa weather bureau Pagasa, maaaring maging pinakamainit o pinakamalalang El Niño na mararanasan ng bansa ang paparating na phenomenon kaya kailangang paigtingin ang paghahanda.
---
Malaki na ang papel ng perang ipinapadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa programang “Memo with Korina” sa Bilyonaryo News Channel, ipinaliwanag ni Credit Rating and Investors Services Philippines (CRISP) Chief Econo¬mist Prof. Emmanuel Leyco na sa halip na kunin sa sapat na trabaho at mataa¬s na sahod, malaking bahagi ng panggastos o pinambibili ng mga Pilipino ay nanggagaling sa remittance ng mga OFW.
Ayon kay Leyco, nakakatulong ito sa pagpapatuloy ng consumer spending na isa sa mga pangunahing nagpapagalaw sa ekonomiya.
Pero nagiging problema aniya ito kapag mas¬yado nang umaasa ang ekonomiya ng bansa sa remittances.