Skip to content

Octobe 23 - 6 am NEWS

Octobe 23 - 6 am NEWS
CHESTER PANGAN
Oct 23, 2026 | 7:47 AM

Pinuri ni dating Senate President Franklin Drilon ang Korte Suprema sa pagkilala sa unprogrammed appropriations bilang legal na budget mechanism, pero kanyang hinimok ang Kongreso na humingi ng paglilinaw sa mga bahagi ng desisyon na maaaring makaapekto sa kapangyarihan nitong maglaan ng pondo sa ilalim ng Saligang Batas.

Sang-ayon sa pagbasa ni Drilon sa desisyon, kinilala ng Korte na hindi labag sa Saligang Batas ang mismong unprogrammed appropriations. Ito’y standby funds na maaari lamang gamitin kapag natugunan ang mga kondisyong itinakda ng batas.

Sinabi ni Drilon na importanteng humingi ng paglilinaw dahil maaaring lumampas ang desisyon sa pagsusuri ng constitutionality sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga kondisyon sa paggastos na, sa ilalim ng 1987 Constitution, dapat nasa pagpapasya ng Kongreso.

Ayon sa dating Senate president, nakaaapekto ang ruling sa kapangyarihan ng Kongreso na magtakda ng appropriations.

Pinuri rin niya ang Korte sa paglalabas ng desisyon sa mahalagang yugto ng paghahanda ng 2027 national budget. Inaasahan niyang makikita sa susunod na budget ang mga repormang kaugnay ng ruling.

Bilang amicus curiae o tagapagbigay ng legal na pananaw sa Korte, ipinagtanggol ni Drilon ang constitutionality ng unprogrammed appropriations, pero nagbabala na maaaring lumabag sa Saligang Batas ang paraan ng pagpapatupad nito.

Kinilala niyang maaaring kailangang itama ang mga depekto o pang-aabuso sa mekanismo. Gayunman, iginiit niyang Kongreso ang dapat magtakda ng mga pamantayan sa pamamagitan ng batas, habang ang Korte ang magpapasya kung naaayon ang mga ito sa Saligang Batas.

Nagbabala si Drilon na ang pagtatakda ng Korte ng sariling budget guidelines na papalit sa mga kondisyong itinakda ng Kongreso ay maaaring ituring na judicial legislation o panghihimasok sa paggawa ng batas.

Binigyang-diin niyang Kongreso ang nagtatakda ng paglalaan ng pondo at mga kondisyon nito, habang ang Executive branch ang nagpapatupad ng budget alinsunod sa mga nasabing kondisyon at sa Saligang Batas.

Ayon kay Drilon, makatutulong ang paglilinaw upang matukoy ang hangganan ng pagsusuri ng Korte at mapanatili ang mga pananggalang laban sa maling paggamit ng pera ng bayan.

Aniya, nakataya rito hindi lamang ang kasalukuyang administrasyon at budget, kundi pati ang kapangyarihan ng mga susunod na Kongreso at Pangulo sa pagbuo at pagpapatupad ng pambansang pondo.

---

Bumagsak sa bagong all time low ang palitan ng piso nitong Huwebes, Oktubre 22 kahit pa nagtaas ng interest rates ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa datos ng Bankers Association of the Philippines, nagsara ang piso sa P63.52 kada dolyar, humina ng 15.9 sentimos mula sa P63.361 noong Miyerkoles.

Sa teorya, napapalakas ng pagtaas ng interest rates ang local currency dahil sa pananaw na lalaki ang kita sa mga pinuhunan nito pero hindi ito umubra kahapon dahil lumagapak pa nga ang piso.

Sa pagbubukas ng kalakalan, lumakas pa ang piso sa P63.31 kada dolyar—mas malakas kaysa sa closing noong Miyerkoles na P63.361. Umabot ito sa P63.30 bago sumadsad sa P63.545 na pinakamahina nito kahapon na isa ring bagong all-time intra-day low. (Eileen Mencias)