Hiniling ng mga prosecutor sa International Criminal Court (ICC) na tanggapin ang testimonya ng dalawang testigo sa kaso ng pagpatay sa 17-anyos na si Kian delos Santos at kay da¬ting Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. noong 2017.
Sa kanilang aplikasyon sa Trial Chamber III, hiniling ng Office of the Prosecutor na tanggapin ang mga testimonya ng mga testigong sina P-0025 at P-1382, bilang bahagi ng ebidensiya sa madugong kampanya kontra droga ng administrasyon ni da¬ting Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Paliwanag ng mga prosecutor, ang testimonya ng dalawang testigo ay naglalaman ng impormasyon sa pag¬lobo ng mga pagpatay at sa discrepancy ng mga ebidensiyang sinuri ng mga saksi at mga pahayag ng pulisya na kumilos lamang sila bilang pagtatanggol sa sarili.
Kabilang sa mga kasong binanggit ang pagpatay kay Parojinog at ilang iba pa noong Hulyo 30, 2017, at kay Delos Santos noong Agosto 16, 2017.
---
Hihigpitan na ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang patakaran sa party-list nominee substitutions upang mapigilan ang pagpapalit ng kanilang orihinal na sectoral representatives matapos manalo ng puwesto sa Kamara de Representantes.
Sa panayam ng programang “Memo with Korina” sa Bilyonaryo News Channel nitong Huwebes, sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na inoobliga na ngayon ang mga party-list groups na magsumite ng listahan ng 10 nominee.
“Sinabi namin, kapagka isa sa mga 10 nominees na ‘yan ay umalis dahil may sakit kuno o ayaw na o may personal reason, hindi namin papayagan ang substitution,” diin ni Garcia.
Dati aniya, ilang party-list group ang nagpapatakbo ng mga lehitimong sectoral representatives sa eleksiyon pero kapag nanalo na ay papalitan ng taong hindi nabibilang sa sektor na kinakatawan.
“Ang mangyayari, kung ‘yung number four, ‘yun ang magiging number one, ‘yung number five, ‘yun ang magiging number two, and so on and so forth,” paliwanag ni Garcia.