Skip to content

November 5 - 6 am NEWS

November 5 -  6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Nov 05, 2026 | 7:16 AM

Nauunawaan umano ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang naging desisyon ni Dean Ralph Sarmiento na hindi na humarap bilang testigo sa impeachment proceedings laban sa bise presidente.
Ayon kay Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team, iginagalang nila ang personal na pasya ni Sarmiento matapos nitong tanggihan ang paglahok sa paglilitis.
Sa kabila nito,tiniyak ni Poa na nagpapatuloy ang kanilang paghahanda para sa susunod na pagdinig sa Nobyembre 9.
Sinabi ni Poa na naihain na nila sa Impeachment Court ang listahan ng mga tchestigong inaasahang haharap sa unang linggo ng paglilitis, alinsunod sa itinakdang limang araw na panuntunan.
Matatandaang unang inaasahang testigo ng depensa si Sarmiento, ngunit nagpasya itong hindi na lumahok upang mapanatili ang kalayaan ng kaniyang mga pag-aaral sa constitutional law at ang pagiging patas ng kaniyang mga legal na pananaw at opinyon.

**

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Rodil V. Zalameda bilang susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano ang naturang appointment nitong Huwebes kung saan papalit si Zalameda kay Chief Justice Alexander Gesmundo na nakatakdang magretiro sa Nobyembre 6.
Binigyang-diin ni Cayetano na nagdadala si Zalameda ng mahigit tatlong dekada ng natatanging paglilingkod sa sistema ng katarungan, mula sa pagiging opisyal ng korte at pampublikong prosecutor hanggang sa Court of Appeals at Supreme Court.