Nakahanda umanong tanggapin ni United States President Donald Trump ang magiging resulta ng midterm elections sa Amerika, kabilang ang posibilidad na makuha ng Democratic Party ang kontrol sa Kongreso.
Sinabi ni Trump na handa siyang tanggapin umano ang resulta ng halalan at makipagtulungan sa mga Democrat.
“I am absolutely willing to accept those results,” pahayag ni Trump.
Dagdag pa ng pangulo, inaasahan niyang makakahanap ng paraan ang kanyang administrasyon upang makipagtulungan sa kabilang partido.
“We’ll work with the Democrats, and we’ll, you know, look forward to working with them. We’ll probably work something out,” ani Trump.
Ang midterm elections ay isinasagawa sa kalagitnaan ng termino ng isang pangulo upang pumili ng mga bagong mambabatas sa Kongreso at iba pang opisyal.
Matatandaang bago ang halalan, sinabi ni Trump na igagalang lamang niya ang resulta kung magiging “honest” ang eleksiyon.
Patuloy namang binabantayan ang resulta ng mga karera sa Kongreso upang matukoy kung mananatili sa Republican Party o mapupunta sa Democratic Party ang kontrol sa dalawang kapulungan.
---
Humigit-kumulang 10 European flights ang naantala matapos umano itong targetin ng bomb threats nitong Martes, Nobyembre 3.
Nabulabog ang ilang mga paliparan sa Europe kung saan napilitan na pansamantalang ipasara ang isang paliparan sa Warsaw, Poland.
Ang Irish-owned at budget carrier na Ryanair ang labis na naapektuhan ng nasabing mga banta kung saan apat na flights nito tungo sa iba’t ibang destinasyon ang itinarget ng bomb threats.
Ayon sa Metropolitan Police ng London sa United Kingdom, naitala ang mga banta sa mga flights na nakatakdang lumipad at mag-landing sa Heathrow Airport, isa sa mga pinaka-busy na paliparan sa Europe.
Kaugnay niyan, ipinamobalisa na rin ang air forces Italy para i-escort ang isa pang flight na naturang carrier mula Dublin at nakatakdang mag-landing sa Rome-Fiumicino Airport.
May dalawang ulat ding naitala sa dalawang eroplanong tungo ng Warsaw, Poland, kabilang ang isang Scandinavian Airlines (SAS) fligjt mula Copenhagen at isa pang flight galing Heathrow na ipinatatakbo ng Polish airline na LOT.
Bagama’t naitala ang serye ng banta, wala namang nadiskubreng explosives sa mga nasabing paliparan at eroplano matapos magkasa ng mga malawakang ground search ang mga sangkot na awtoridad dito.