Itinulak ng prosecutor sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa International Criminal Court (ICC) na tanggapin bilang ebidensiya ang mga pre-recorded testimonies ng tatlo pang testigo.
Base sa 10 pahinang kopya ng application ng prosekusyon na isinapubliko nitong Martes, iginiit ng panel na ang recorded testimonies ng tatlong testigo ay importanteng ebidensiya sa naging papel ng Philippine National Police (PNP) sa implementasyon ng madugong war on drugs ni Duterte, pati na ang indibiduwal na criminal responsibility ng dating Pangulo.
Ayon sa prosekusyon, ang pagtanggap sa recorded testimony ng tatlong testigo ay magpapabawas sa haba ng direct examination sa mga testigo laban kay Duterte.
Tinukoy ng prosekusyon na ang testimonya ng testigong si P-1097 ay makapagbibigay ng ebidensiya sa mga pinatay sa “tokhang” noong Duterte administration, kabilang ang pagtumba sa mga “high-value targets”.
Inihayag ni dating Ilocos Norte Governor Chavit Singson na may hawak siyang mga ebidensya kaugnay ng umano’y malawakang katiwalian sa mga proyekto ng flood control sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Singson, sampu lamang sa 551 ang mga proyektong maayos habang ang iba ay pawang substandard at ghost project. Dagdag pa niya, hindi ito maikakaila dahil lumalabas sa geotagging na bayad na ang mga ito ngayong taon kahit may mga nakitang iregularidad.
Kasabay nito, kinuwestiyon ng dating gobernador ang kabuuang aabot sa apat na bilyong pisong pondo para sa buong lalawigan ng Ilocos Norte at pinuna ang Office of the Ombudsman dahil sa umano’y hindi patas na paghawak sa mga kaso.
Ayon kay Singson, kung babalewalain ang kanyang mga dokumento, handa siyang lumapit sa simbahan o iba pang grupo upang ihayag ang isyu.
***
Isasailalim sa forensic test ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga abo mula sa Ajhay Pet Crematorium upang malaman kung nanggaling ito sa na-cremate na alagang hayop, o mula sa semento o buhangin lamang.
Dahil dito, hinikayat ni Matibag ang mga kumuha ng serbisyo ng nasabing pet crematorium na dumulog sa kanilang ahensiya para masuri ang mga ibinigay sa kanilang abo upang sa gayon ay masampahan ng kaukulang kaso ang may-ari ng establisimiyento.
Aniya, posibleng estafa at betrayal ng public trust ang isasampa nilang kaso laban sa pet crematorium dahil sa ginawa nilang panloloko sa mga namatayang pet owner.