Skip to content

November 3 - 7am NEWS

November 3 - 7am NEWS
CHESTER PANGAN
Nov 03, 2025 | 8:28 AM

Naisyuhan na ng ‘subpoena’ ang mga indibidwal na sangkot sa limang flood control projects anomaly cases sa Bulacan.

Ito mismo ang kinumpirma ng itinalagang officer-in-charge ng Department of Justice na si Acting Secretary Fredderick Vida ngayong araw.

Kanyang sinabi na naipadala na ng kagawaran ang subpoena kontra mga respondents sa reklamong may kaugnayan sa ghost infrastructure projects cases.

Ayon naman kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, ang mga subpoena aniya’y naisilbi na nitong nakaraang linggo.


Kung kaya’t gugulong o nakatakdang simulan na ang pagsasagawa ng preliminary investigation ng prosekusyon sa darating na ika-10 ng Nobyembre aniya.

“Hi good afternoon. Subpoenas for respondents were served last week. First hearing for PI is scheduled on November 10, 2025 at 1:00pm. That’s all the details I have for now. Thank you,” ani Spokesperson Polo Martinez ng DOJ.

Maaalalang ang limang kasong ito ay isinumite at inirekomenda na ng kagawaran sa Office of the Ombudsman kasunod ng isinagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Ngunit ito’y ibinalik lamang ng Ombudsman sa Department of Justice sapagkat inatasan ang kagawaran na sila na ang manguna sa pagsasagawa ng preliminary investigation.

Paliwanag kasi ng tanod-bayan na iniiwasan dito na maging pauli-ulit ang proseso kung kaya’t ninais na ibalik sa kagawaran sapagkat sila na rin ang mailang beses ng nakakausap sa mga testigo.

Nitong nakaraan lamang rin ay ibinahagi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na kabilang sa respondents ay ilang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways.

Sina former DPWH Engineer Henry Alcantara, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza at iba pa.

Partikular na mga reklamong kanilang kinakaharap ay ang malversation of public funds, falsification by public officers, perjury, at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ng bansa.

------------

Pinaghahanda ng Department of Agriculture (DA) ang mga mangingisda sa epekto ng bagyong Tino sa sektor ng pangisdaa, lalo na ang dulot nitong mga serye ng pagbaha.

Sa abisong inilabas ng DA Disaster Risk Reduction Management Operations Center, pinapayuhan nito ang mga mangingisda na agahang dalhin ang mga bangkang pangisda sa at iba pang gamit pangisda sa mataas at ligtas na lugar.

Pinapayuhan din ng ahensiya ang fisherfolks na planuhin o ipagpaliban ang paglalakbay sa karagatan.

Ito ay dahil na rin sa banta ng storm surge o matataas na daluyong na tiyak na makaka-apekto sa paglalakbay at pangingisda.


Sa mga mayroong palaisdaan, ipinayo ng DA ang early harvest o maagang pag-harvest sa mga alagang isda, alimango, atbpang aquatic products, dahil sa banta ng biglaang pagbaha.

Ipinahahanda rin ng ahensiya ang post-harvest facilities na maaaring magamit, kasunod ng early o forced harvest.