Skip to content

November 3 - 6am NEWS

November 3 - 6am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Nov 03, 2026 | 6:30 AM

12 lugar sa ‘Pinas tatamaan ng tagtuyot ngayong Nov

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Martes na posibleng makaranas ng tagtuyot bago matapos ang Nobyembre, ang 11 probinsya at isang siyudad sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Kabilang sa tinukoy ng weather bureau na tatamaan ng tagtuyot ang lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Capiz, Negros Oriental, Leyte, Samar, Siquijor, Southern Leyte, Isabela sa Basilan, Misamis Oriental, kabilang ang Cagayan de Oro City.

Samantala, 57 lugar naman ang makakaranas ng dry spells, habang 11 ang magkakaroon ng dry conditions bago matapos ang buwan.

Nangyayari ang tagtuyot kapag nabawasan ng 60% ang ulan sa tatlong magkakasunod na buwan o kaya ay bumaba ng 20% ang rainfall sa loob ng limang magkasunod na buwan.

*****

Muling nagbuga ng panibagong column ng abo ang Mayon Volcano sa Albay ngayong Martes, ilang araw matapos ang pagputok nito na nagbunsod ng paglikas sa mga karatig-lugar.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagpakawala ang bulkan ng 1,600-meter ash plume ganap na 8:22 ng umaga na napadpad patungong timog-kanluran.

Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon kung kaya’t mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer danger zone dahil sa banta ng pyroclastic density currents, lava flows, at rockfalls.

Matatandaang noong Biyernes ay nagkaroon din ito ng halos anim na minutong “moderately explosive eruption” na nagpalabas ng 3,000-meter column ng abo patungong kalawakan.