Skip to content

November 25 - 7 am NEWS

November 25 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Nov 25, 2026 | 7:46 AM

Nanindigan ang special panel of investigators na si dating Speaker Martin Romualdez ang maitutu¬ring na central figure sa pagkubra ng kickback sa mga flood control project.

Sa pagpapatuloy ng bail hearing ni Romualdez sa Sandiganbayan kaugnay ng P7.4 bilyong plunder case nito, sinabi ng testigong si Atty. Joshua Tan, miyembro ng special panel of investigators ng Office of the Ombudsman, na ‘di kailangang maging front ng kongresista para maging central figure sa kontrobersiya.

Sa kabila ng kawalan ng statement mula sa mga contractor at personnel ng Department of Public Works and Highways na nakatanggap si Romualdez ng kickback o komisyon sa mga proyekto ng ahensiya, sinabi ng testigo na ginamit umano ng Leyte solon ang kanyang impluwensiya bilang Speaker ng Kamara de Representantes.

Tinukoy anila ito sa pamamagitan ng tatlong cluster ng independent evidence, kabilang ang pagpili nito kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co upang maging chairman ng House committee on appropriations. (John Riz Calata)

---

Natapos na ang tatlong taong kontrata ni Rafael Jose Consing Jr. bilang presidente at CEO ng Maharlika Investment Corp. (MIC) nang ?24.7 bilyon lamang sa P75-bilyong pondo ng kumpanya ang naipuhunan.

Wala pa ito sa sangkatlo ng initial capital na nanggaling mula sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

Sa post niya sa LinkedIn, sinabi ni Consing na halos naubos ang unang dalawang taon niya sa pagkuha lamang ng mga tauhan, paggawa ng mga patakaran sa pamumuhunan, at pagtiyak na handa ang Maharlika sa audit.

Nang maupo siya noong Nobyembre 2023, may batas at mga patakaran na ang MIC pero wala pa itong empleyado o puhunan sa anumang proyekto. Sa pag-alis niya, 61 na ang tauhan nito.

“The public was highly skeptical, and most didn’t think the fund should exist at all. I understood that. It’s public money, and we hadn’t done anything yet to deserve the benefit of the doubt,” ani Consing. (Eileen Mencias)