Skip to content

November 24 - 7 am NEWS

November 24 - 7 am NEWS
CHESTER PANGAN
Nov 24, 2026 | 7:49 AM

Bumalik sa Senado si dating Senate Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza matapos italaga bilang secretary ng Commission on Appointments (CA).

Ayon sa ulat ng ¬Politiko, pinalitan ni Mendoza si Myra Marie Villarica bilang pinuno ng CA secretariat, na nagbibigay ng administrative at technical support sa komisyong sumusuri at nagkukumpirma sa mahahalagang appointment ng Pangulo.

Nagsilbi siyang Senate secretary sa ilalim ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Nagbitiw siya noong Mayo matapos ang pagbabago sa liderato ng Senado, kung saan pinalitan ni Senador Alan Peter Cayetano si Sotto. Pinalitan naman siya ni dating House Secretary General Jose Luis Montales.

Nagsilbi rin siyang secretary general ng Kamara de Representantes mula 2020 hanggang 2022 sa ilalim ni dating Speaker Lord Allan Velasco at presidential adviser on legislative affairs ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula 2022 hanggang 2025.

Bago ito, tatlong termino siyang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Batangas sa Kamara at naging secretary general din ng National People’s Coalition (NPC). (¬Angelika Cabral)

---

Hinamon ng Malacañang si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na siya ang unang mag-ambag sa panukala nitong boluntaryong pagtulong ng mga Pilipino sa pagbabayad ng utang ng bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na dapat magsilbing mo¬delo si Cayetano sa mga nais magbigay ng kanilang kontribusyon.

“Mas maganda siguro makita mismo natin, mismo kay Senator Alan Cayetano, pasimulan na po niya,” giit ni Castro.

Sa budget deliberation, iminungkahi ni Cayetano na gumawa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Finance (DOF) ng mekanismo para makapag-ambag ang mga Pilipinong may kakayahan at kusang-loob na tumulong sa pagbabayad ng national debt, tulad ng ginawa sa South Korea.

Tinatayang nasa P170,000 kada Pilipino ang bahagi ng utang ng bansa, ayon sa senador.

Tinutulan naman ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando ang suhestiyon ni Caye¬tano na mag-ambagan para mabayaran ang buong utang ng bansa. (Prince Golez/Dindo Matining)