Nov 24, 2025 | 7:30 AM
Ilang dosenang katao ang nag-rally sa Manitoba Legislature nitong Sabado, Nob. 22 para hilingin sa Canada na kumilos laban sa civil war sa Sudan. Binanggit ng mga nagprotesta ang pagpatay sa sibilyan, at taggutom, ng milyon-milyong tao mula nang magsimula ang labanan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces (SAF) at Rapid Support Forces (RSF) noong Abril 2023. Nitong nakaraang buwan, nakuha ng RSF ang El Fasher sa Darfur matapos ang 18-buwang siege.
**
Inaresto ang isang 27-anyos na lalaki na suspek sa isang insidente ng ng sexual assault kung saan isang nurse sa St. Boniface Hospital parkade angh umano'y biktima noong Nob. 8. Ayon sa ulat, Inatake ang nurse habang bumababa sa kanyang sasakyan bandang 11 p.m. at naipit sa pagitan ng dalawang sasakyan bago tumakas ang suspek. Nahuli siya ng hospital security hanggang dumating ang pulisya.
Nagpatupad ang ospital ng safety measures tulad ng roving overnight security, key-card access, mas maayos na ilaw, salamin, at upgraded security cameras. Ayon sa Manitoba Nurses Union, kulang pa ito at maaaring “grey list” ang mga ospital sa probinsya kung hindi tututukan ang seguridad ng staff.
May criminal history ang suspek, kabilang ang sexual assault, robbery, theft, at assault mula pa noong 2023.
**
Sisimulan na ang construction ng Shanghai Residence, isang $20-million, seven-storey, 54-unit affordable housing project matapos ang isang ground breaking event nitong weekend sa pagtatayuang lugar--sa dating site ng Shanghai Restaurant sa 232 King St., Chinatown, Winnipeg.
Ang proyekto ay para sa newcomers sa Canada pero bukas din sa ibang pamilya na nangangailangan ng abot-kayang tirahan. Pinondohan ito ng federal, provincial, at city governments, pati na rin ng community donations. Inaasahang matatapos ang construction sa loob ng 18–20 buwan, at magsisimula ang marketing sa mga prospective residents sa susunod na taon.