Skip to content

November 24 - 6 am NEWS

November 24 - 6 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Nov 24, 2025 | 6:30 AM

Nagbigay ng update si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control project. 

Ayon sa Pangulo, pito sa labing-anim na indibidwal na may warrant of arrest mula sa Sandiganbayan ang nasa kustodiya na ng awtoridad.  sa ang naaresto ng NBI, habang anim naman ang boluntaryong sumuko sa CIDG. Dalawa pa ang kasalukuyang nakikipag-ugnayan para sa kanilang pagsuko.

Inihayag din ng Pangulo na ang isang inaresto ng NBI ay natagpuan sa lugar na hindi niya tirahan, at muling nagbabala sa mga nagtatangkang magtago o tumulong magtago ng mga akusado.

Sa kabuuang 16 akusado, pito pa kabilang si Zaldy Co ang nananatiling at large. Hinimok ni Marcos ang mga natitirang suspek na agad sumuko upang maayos na maharap ang mga paratang.

****

sa kaugnay na balita,  suportado ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipagtulingan at sumuko ang lahat ng sangkot sa flood control anomaly.

Sa isang statement, ipinaalala ng lider ng Kamara na may pananagutan sa batas ang sinumang nagkukubli o humahadlang sa pag-usad ng naturang hakbang.

Aniya, iginagalang din niya ang naging hakbang ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na pagdulog sa Office of the Ombudsman.

Naniniwala din si Dy sa kakayahan ng ICI na gampanan ang mandato nito, dahilan kaya hindi na aniya itinuloy pa ng Kamara ang kahalintulad na imbestigasyon upang hayaan na ang komisyon na makapagtrabaho ng tuluy-tuloy..

***

Nagsagawa ng protesta ang isang grupo ng mga senior citizens sa Cubao, Quezon City noong Sabado ng umaga laban sa katiwalian sa gobyerno, sa ilalim ng kampanyang “Seniors Kontra Kurakot.”

Ayon sa Seniors on the Move, layon ng kanilang kilos-protesta na mapanagot at makulong ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Pinuna rin ni ng grupo ang kawalan ng aksyon ng gobyerno at binigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga senior citizens.

Karamihan sa mga kalahok ay retirees, at nasa edad 65 anyos pataas.   Ayon sa mga dumalo ang protesta sa Cubao ay simula lamang, at nakatakda rin silang lumahok sa isang mas malaking anti-corruption rally sa Luneta sa Nobyembre 30.