Patuloy na pumupukaw ng atensyon ang industriya ng teknolohiya sa Pilipinas. Bagama't bumagal ang venture capital sa buong Southeast Asia, ang Pilipinas ay patuloy na nakakaakit ng interes ng mamumuhunan, na nakakakuha ng $86.4 milyon sa pagpopondo sa unang kalahati ng 2025.
Sa kabila ng pagbagsak ng kabuuang equity investments ng 20.7%—ang pinakamababa sa loob ng anim na taon—nasa ikaapat na puwesto pa rin ang bansa sa rehiyon, ayon sa DealStreet Southeast Asia Startup Funding Report.
Ngunit may kaakibat na bagong hamon ang oportunidad na ito: ang paglawak o scaling up. Magaling ang mga kumpanyang Pilipino sa pagsisimula, ngunit madalas silang mahirapan sa paghahanap ng malalaking puhunan at suporta upang lumawak sa pandaigdigang merkado.
Para sa mga naghahangad na tech at fintech company founders, ang tanong ngayon ay hindi na kung paano magtagumpay sa Pilipinas—kundi kung paano manguna sa buong mundo.
Ang maganda dito, maaaring nasa dalawang oras na biyahe ang sagot. Nag-aalok ang Hong Kong ng platapormang dinisenyo upang tulungan ang mga kumpanyang Pilipino na lumago nang mabilis at makapasok sa pandaigdigang merkado.
Nagbibigay ang Hong Kong ng isang purpose-built na plataporma para sa global leap na ito—hindi lamang bilang isa pang merkado na papasukin, kundi bilang isang estratehikong springboard. Napatunayan na ito ng ilan sa pinakamahuhusay at pinaka-ambisyosong negosyo sa rehiyon, mula sa high-growth tech unicorns hanggang sa matatag na family conglomerates.
Halimbawa, ang unicorn car marketplace ng Singapore na Carro ay ginagamit ang Hong Kong bilang isang pangunahing merkado sa kanilang regional operations at nakahikayat ng pamumuhunan mula sa mga Hong Kong-based firms upang suportahan ang kanilang pagpapalawak.
Hindi lamang teknolohiya ang inaakit ng lungsod—maraming negosyo mula sa consumer products, creative industries, at iba pang sektor ang pinipiling dito magtayo ng kanilang base.
Ang higit na kapansin-pansin? Maging ang ilan sa pinaka-itatag na pamilyang negosyante sa Pilipinas ay lumilipat din dito—isang malinaw na indikasyon ng matinding kumpiyansa sa lungsod.
----
Pinayuhan ng Department of Environment and Natural Resources-NCR (DENR-NCR) ang publiko na iwasang magsabit o magbalot ng Christmas lights sa mga puno ngayong Kapaskuhan.
Paliwanag ng DENR, maaari itong makapinsala sa mga sanga, magdulot ng sugat at makaapekto sa mga hayop na naninirahan dito.
Ayon sa DENR-National Capital Region (NCR), ang mga kable at plastik ng ilaw ay maaaring dumikit at makasakal sa puno habang ang maling pagkakabit ng ilaw ay nagdudulot ng panganib ng sunog.
Bagama’t walang batas na nagbabawal dito, sinabi ng ahensya na ang paalala ay bahagi ng kanilang hakbang para maprotektahan ang urban greenery.
Hinihikayat naman ng ahensya ang publiko na gumamit ng mas ligtas at eco-friendly na dekorasyon.