Pumirma ang Venezuela at United States ng military deal halos isang taon matapos na maaresto ang dating pangulo na si Nicolas Maduro.
Pinangunahan ito ng interim government na si Delcy Rodriguez ang dating Bise Presidente ni Maduro at ni US Secretary of Defence Pete Hegseth.
Sinabi ni Rodriguez na ang kasunduan ay makakatulong para labanan ang mga ordinaryong banta.
Habang ayon kay Hegseth na mula sa pagiging aggresive regional threat ang Venezuela ay naging security partner na nila ito ngayon.
Ibinasura noong 2006 ang mlitary co-operation ng dalawang bansa noong panahon ni dating Pangulong Hugo Chavez.
Inakusahan kasi ni Chavez ang US na sinasanay nila ang mga rebeldeng grupo na kumakalaban sa kanilang gobyerno.
---
Nahatulang guilty ang pastor mula sa Florida na si Christian Emmanuel Sanon sa walong kasong may kaugnayan sa sabwatan upang patayin at patalsikin sa puwesto ang dating Pangulo ng Haiti na si Jovenel Moise noong 2021.
Ayon sa mga tagausig, pinlano ni Sanon na palitan si Moise bilang pangulo ng Haiti upang makakuha ng mga kontrata para sa isang kompanya na nakabase sa Florida.
Pinaniniwalaan ding nagbago ang plano mula sa pagpapatalsik kay Moise tungo sa pagpaslang sa kaniya. Noong Hulyo 6, 2021, pinaslang ang dating pangulo sa loob ng kaniyang tahanan ng mga armadong mersenaryong Colombian. Nasugatan din sa pag-atake ang kaniyang asawa.
Matapos ang walong linggong paglilitis ng korte sa Miami, nahatulan si Sanon sa lahat ng walong kaso at posibleng makulong habambuhay.
Gayunman, iginiit ng kaniyang abogado na wala siyang kasalanan at planong iapela ang hatol.