Skip to content

November 20 - 7 am NEWS

November 20 - 7 am NEWS
DONNA NATIVIDAD-ARENAS
Nov 20, 2025 | 7:30 AM

Nagsimula na ang pagboto ng mga unionized nurses sa Thompson General Hospital kung dapat itong i-“grey list” dahil sa safety concerns.

Ang grey list ay ginagamit ng Manitoba Nurses Union (MNU) para ipaalam sa kasalukuyan at posibleng aplikante na hindi ligtas ang working environment sa isang ospital. Nagsimula ang panukala noong 2024 matapos ang insidente ng baril sa chapel ng ospital tuwing Christmas Eve, at lumala nang may pasyenteng na-stab sa waiting room nitong Agosto.

Kung maaprubahan, magiging pangalawang ospital sa probinsya ngayong taon na grey listed, kasunod ng Health Sciences Centre sa Winnipeg na nakaranas din ng serye ng violent incidents.

Ayon sa Health Minister Uzoma Asagwara, maghahire ng walong institutional safety officers sa Thompson General Hospital upang mapabuti ang seguridad. Nagsimula na ang job postings at target ng pamahalaan na mabilis na maipatupad ang hakbang.

 

**

 Isang 35-anyos na lalaki ang inaresto at kinasuhan matapos umano’y maging responsable sa serye ng 22 arson at break-in sa iba’t ibang bahagi ng lungsod mula Hunyo hanggang Nobyembre.

Ayon sa Winnipeg Police Service, ang mga insidente ay tumama sa mga restaurant, bars, negosyo, at dalawang constituency offices, kabilang ang mga lokasyon sa Main Street, Selkirk Avenue, Princess Street, Portage Avenue at Magnus Avenue. Nahuli umano ang suspek matapos masunog ang isang lokasyon sa Magnus Avenue nitong Martes.

Kinilala ang akusado bilang Jesse Robert Shawn Wheatland. Kaharap niya ang 13 counts of arson causing damage to property, isang count ng arson na may panganib sa buhay, dalawang break and enter na may arson, dalawang break and enter with intent, at ilang mischief-related charges. Siya ay naka-detain at nakatakdang humarap sa korte ngayong Huwebes.

 

**

Tumataas ang bilang ng pet owners na umaasa sa pet food bank ng Winnipeg Humane Society (WHS) dahil sa pagtaas ng gastos sa pagkain at pangangalaga ng alagang hayop.

Ayon sa WHS, tumaas nang higit triple ang demand sa kanilang pet food bank, mula 88 appointments noong Abril hanggang 301 noong Oktubre. Layunin ng programa na tulungan ang mga pamilyang hirap sa gastusin upang hindi nila kailangang ipa-adopt o isuko ang kanilang mga alaga.

Naglulunsad din ang WHS ng holiday hampers para sa 50 aso at 50 pusa, na maglalaman ng pagkain, treats, laruan, collar, kitty litter at iba pang pet supplies.